Lucy Torres emosyonal sa graduation ni Juliana: The best is yet to come

Lucy Torres emosyonal sa graduation ni Juliana: The best is yet to come!

Lucy Torres at Juliana Gomez

TULAD ng kanyang asawang si Leyte Rep. Richard Gomez, naging emosyonal din si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez sa pag-graduate sa college ng nag-iisa nilang anak na si Juliana.

Present siyempre ang celebrity couple at public servant sa graduation ceremony ng kanilang anak na si Juliana Ma. Beatrice T. Gomez.

Nagtapos ang dalaga sa University of the Philippines Diliman with a degree in public administration at gumradweyt pa na cum laude.

Baka Bet Mo: Lucy may ibinubulong kay Richard kapag uma-attend ng kasal: Hala, tutulo na ang luha niyan!

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Juliana sa UP na naging ikalawang tahanan niya sa loob ng ilang taon at hinding-hindi raw niya makakalimutan ang naging journey niya sa pagiging college student.


“Isang karangalan ang maging Iskolar-Atleta ng Bayan. Maraming salamat sa pagkakataon na ito, UP! Mahal na mahal kita. #Sablay2024,” aniya sa caption ng kanyang IG post.

Sa comments section ng Instagram photo ni Juliana, nag-iwan ng madamdaming mensahe si Lucy kung saan ibinandera niya kung gaano siya kasaya at ka-proud sa solong anak nila ni Richard.

“The sight of you last night, all grown up and graduating from U.P., made me all weepy.

“I love you and am endlessly and wonderfully proud of you, my little love. You have worked so hard, but also so quietly.

Baka Bet Mo: Juliana Gomez hindi nakakaramdam ng lungkot kahit solong anak lang: I’m all right with life just being the 3 of us

“As you always do. Shine on. The best is yet to come,” pahayag pa ni Lucy.

Nauna rito, binati rin ni Richard sa pamamagitan ng Instagram Reel si Juliana kalakip ang video na kuha sa graduation ceremony ng dalaga.


Aniya sa caption, “I vividly remember your first day in school as a young child. I drove you to your school near the house, you were in a white shirt and jeans in rubber shoes.

“Look at you now all grown up and a college graduate in Public Administration at the UP Diliman and a Cum Laude,” ang pahayag ng award-winning actor at public servant.

Pagpapatuloy pa niya, “Mom was in tears going up the stage. My eyes were in tears too when I went back to my seat as things sank into my head and realized how time flies so fast.

“Go on and make things better and beautiful,” mensahe pa ng kongresista para sa nag-iisang anak.

Read more...