Morissette nakipag-ayos na sa pamilya: Reconciliation…thank You Jesus

Morissette nakipag-ayos na sa pamilya: Reconciliation...thank You Jesus

Morissette at Dave Lamar kasama ang pamilya

DININIG na ni Lord ang matagal nang ipinagdarasal ng Birit Queen na si Morissette – ang magkaayos na sila ng kanyang magulang at mga kapatid.

Siguradong abot-langit ang pasasalamat ngayon ng premyadong OPM artist sa Panginoong Diyos dahil finally ay maayos na uli ang relasyon niya sa kanyang parents.

Sa mga hindi pa masyadong aware at sa mga nakalimot na, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Morissette at ang ama niyang si Amay noong 2019 dahil sa umano’y pag-abandona ng singer sa kanyang pamilya para sa boyfriend pa lamang niya noong si Dave Lamar.

Baka Bet Mo: Regine inaming hirap na hirap sa ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ duet nila ni Morissette: ‘Kasi 100 years old na ‘ko, itatapat ako sa jugets!’

Si Dave ay ka-batch ni Morissette sa Kapamilya reality singing competition na “The Voice of The Philippines Season 1” na umere noong 2013.


Ayon sa tatay ni Morissette, si Dave daw ang rason kung bakit nagdesisyon ang kanyang anak na umalis sa kanilang tahanan dahil nagli-live in na umano ang magkarelasyon.

Balitang hanggang sa ikinasal daw sina Morissette at Dave ay hindi pa rin daw sila nagkaayos ng kanyang pamilya.

Ngunit makalipas nga ang ilang taon, mukhang natuldukan na ang sigalot sa pagitan ni Morissette at ng kanyang ama.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post si Morissette ng litrato ng paper placemat na may nakasulat na “WHAT ARE YOU CELEBRATING TODAY?” May mga nakalagay ditong choices na maaaring guhitan kung ano ang napili mo.

Baka Bet Mo: Kasal nina Morissette at Dave Lamar inulan nang bonggang-bongga, parang eksena sa pelikula

Ang nilagyan ni Morissette ng marka ay ang mga salitang “reconciliation #peace.”

Sa isa pang photo, makikita naman ang biriterang singer kasama ang asawang si Dave at ang mga magulang niyang sina Amay Amon at Analie Daug, at kanyang mga kapatid.

Ani Morissette sa inilagay niyang caption, “Celebrating life and all its miracles (heart, face holding back tears emojis). Thank You Jesus.”


Sunud-sunod ang magaganda at positibong comments ng netizens para sa pamilya ni Morissette, kabilang na riyan ang post ng mga kaibigan nila sa showbiz.

Ilan sa mga natuwa sa post ni Morissette ay sina TJ Monterde, Jason Dy, Sitti Navarro, KZ Tandingan, Kyla, at Tippy Dos Santos.

Kung matatandaan, umalis daw si Morissette sa kanilang tahanan dahil hindi na raw nito kinaya ang pagbabawal at paghihigpit sa kanya ng ama, lalo na sa pakikipagrelasyon niya kay Dave.

Balitang nag-iwan din daw ang singer ng P20 to P30 million savings niya sa bangko para sa mga magulang niya bago siya umalis sa kanilang bahay.

Read more...