MAS na-inspire at mas naging palaban pa ang mga nagtapos sa kursong Mass Communication sa University of the Philippines Diliman dahil sa TV host-actress na si KaladKaren.
Ang sikat na sikat na ngayong proud transwoman ang naging guest speaker sa naganap na graduation na mga estudyante sa UP Diliman College of Mass Communication.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang impersonator ni Karen Davila ng kanyang litrato na kuha sa UP Diliman campus suot ang pak na pak niyang Filipiniana dress.
Sey niya sa caption, “Straight from London to the University of the Philippines Diliman!
Baka Bet Mo: Karen Davila super proud sa anak na may autism dahil nag-aaral na sa UP Diliman
“Karangalan ng buhay ko ang maging pinakabatang guest of honor and speaker sa kasayasayan ng pagtatapos ng mga estudyante ng UP College of Mass Communication.
“Maraming maraming salamat po sa inyo, mga kapwa ko iskolar ng bayan! Mabuhay ang mga matatapang na alagad ng midya!” ang buong post ng TV host.
Alumna ng UP Diliman si KaladKaren, o Jervi Li sa tunay na buhay, kung saan siya nagtapos ng Broadcast Communication mula sa College of Mass Communication na may karangalan bilang magna cum laude.
Narito naman ang bahagi ng kanyang speech sa mga graduate this year.
“First of all, thank you very much sa inyo. Hindi ko alam kung ine-echos lang ako ni dean, pero sabi niya ako daw po ang request ninyo.
“Thank you so much, hindi nga po ako makapaniwala dahil iniisip ko baka may ibang taong mas deserve. Pero feeling ko, deserve ko naman din, at nandito na ‘ho tayo,” mensahe ni Kaladkaren.
Patuloy niya, “Ang ganda ko po sa personal, ano? Partida, jetlag pa po ‘yan. Kakalanding ko lang po mula sa London, because of my recent second engagement. Pero seryoso na po tayo.”
Baka Bet Mo: Erap kinanta ang favorite song matapos bumuti ang kundisyon; pamilya nag-alay ng healing mass
“Alam niyo po, isang malaking karangalan ng buhay ko na maimbitahan upang magsalita sa inyong pagtatapos ngayong araw na ito.
“Parang kahapon lamang ang labinlimang taon nakararaan nang ako ay nakaupo riyan — maikli ang buhok, walang make-up, naka-formal black leather shoes, naka-pantalon at naka-Barong Tagalog.
“Lalaki po akong nagtapos dito sa kolehiyo. At noong mga panahong iyon, sinusubukan ko pong maging isang lalaki, dahil sa takot na mahusgahan ng ating malupit na lipunan.
“Kaya naman, isa pong malaking tagumpay ang bumalik at tumayo sa inyong harapan, bilang ako, Isang babae,” aniya pa.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mga salitang “diversity and inclusion”, “This is not only a personal triumph. By inviting a trans woman, such as myself, to address the graduating class, the UP College of Mass Communication is sending a clear message of support for diversity and inclusion.
“It demonstrates a commitment to honoring the experiences and perspectives of individuals regardless of gender identity or expression.
“What a powerful symbol of recognition and affirmation of the journey of transgender women in our society,” pahayag pa niya.
Mensahe naman ng proud member ng LGBTQIA+ community, “Thank you for acknowledging the courage it takes to embrace one’s true self, the requisite resilience in navigating the complexities of gender transition and the strength it requires to live authentically despite societal norms and expectations.
“My unending gratitude, UP MASSCOM. Isang patunay lamang na ang sablay ay inklusibo at mapagpalaya.
“In a world inundated with misinformation, distortion and half-truths, it is more crucial than ever to champion the values of truth, inclusivity, and representation.
“In a post-truth society where falsehoods are often paraded as facts primarily to win electoral victories and wield power, and where division seems to be the norm, it is our responsibility as the torchbearers of the future, to stand firm in our commitment to authenticity, diversity, and acceptance,” ang matapang na pahayag ni Kaladkaren