Jose Mari Chan dapat na nga bang hiranging National Artist?

Jose Mari Chan dapat na nga bang hiranging National Artist?

Jose Mari Chan

MGA ka-BANDERA, payag ba kayong gawing National Artist ang tinaguriang “Father of Pinoy Christmas Music” na si Jose Mari Chan?

Muli na namang nabuhay ang usaping ito dahil ilang tulog na lang ay “Ber Months” na at siguradong anytime from now ay babandera na naman ang mga pampa-good vibes na memes ng OPM legend.

Sa pakikipagchikahan namin sa mga opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce (FFCCCI) nitong nagdaang Lunes, July 29, ay napag-usapan nga ang panawagan nila para hiranging National Artist si JMC.

Baka Bet Mo: Jose Mari Chan ‘reflection time’ ang Pasko; ‘Hero City Kids Force’ ipapalabas kasabay ng selebrasyon ng National Children’s Month

Sabi ni Wilson Lee Flores, chairman ng FFCCCI Public Information Committee, “Bago nag-pandemic sumulat sa Presidente (Rodrigo Duterte) ang FFCCCII para iapelang gawing National Artist si Jose Mari.

“At ngayong taon, gusto ulit nilang sumulat pero may iba pang mga individual na nag-nominate kay Jose Mari Chan,” sabi ni Wilson.

“Kasi ang kanta niya naman talaga hindi lang pang-elite. Lahat ng tao kahit na sino, na-inspire kay Jose Mari Chan at magaganda ang music niya,” dagdag pa niya.


In fairness naman, talagang bahagi na ng holiday season ng sambayanang Filipino si JMC at ang kanyang walang kamatayang Christmas songs, partikular na ang “Christmas In Our Hearts” na itinuturing nang “National anthem” ng mga Pinoy tuwing Pasko.

Matatandaang ginawaran na ng parangal ng FFCCCII ang music icon ng Lifetime Achievement Award noong 2022 kung saan binigyan siya ng Plaque of Honor at special medallion bilang haligi ng OPM.

Baka Bet Mo: #PaskoNa: Jose Mari Chan bida na naman ngayong Ber months

At kasabay nga nito, inanunsiyo rin ng grupo na nagpadala sila ng formal letter  sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para i-nominate si Jose Mari Chan as National Artist dahil nga sa napakalaking contribution nito sa Philippine Arts and Culture.

Feeling naman namin, walang kokontra sakali mang kilalanin si JMC bilang National Artist dahil nga sa tagal na niya sa entertainment industry at sa dami na ng naging kontribusyon niya sa mundo ng musika.

The Order of National Artists (Order ng Pambansang Alagad ng Sining) is the highest national recognition given to Filipino individuals who have made significant contributions to the development of Philippine arts, namely: music, dance, theater, visual arts, literature, film, broadcast arts, and architecture and allied arts.

The order is jointly administered by the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP). It is conferred by the President of the Philippines upon recommendation by both institutions.

Kayo ba, dear BANDERA readers, agree ba kayong gawin nang National Artist si Jose Mari Chan?

Read more...