TALAGANG kinarir ng award-winning actress at movie producer na si Sylvia Sanchez ang pagpunta sa France para sa Paris Olympics.
Kasama ng Kapamilya star ang asawang si Art Atayde at anak na si Xavi sa pagtungo sa Paris para suportahan ang mga Filipino athletes na lumalaban sa 2024 Olympics
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Sylvia ng mga litrato at video nila ng kanyang pamilya na kuha sa opening ceremony ng Paris Olympics na ginanap sa River Seine nitong nagdaang July 26.
“Proud to be a part of this historic moment. Paris Olympics 2024. Laban Pilipinas!” ang inilagay na caption ng aktres sa kanyang post.
In fairness, matagal nang pinaghandaan ng pamilya Atayde ang pagtungo sa Paris para masaksihan ang iba’t ibang kumpetisyon sa naturang international sports event.
Baka Bet Mo: Hirit ni Hidilyn Diaz: Sa mga nagsasabi na, ‘it’s too late to start,’ hindi ako naniniwala diyan…age doesn’t matter
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa IG at Facebook post ni Ibyang.
“Laban Pilipinas (bandera ng bansa). Enjoy po Ms. Sylvia and family.”
“Wow.. Nandyan pala kayo, nanuod lang ako live sobrang ganda.”
Ang French soccer icon na si Zinedine Zidane ang nanguna sa opening ceremony sa pamamagitan ng pagdadala ng Olympic flame. Sina Marie-José Pérec at Teddy Riner ang nagsindi sa cauldron na pinalipad naman sa ere ng isang modern hot air balloon.
Pak na pak din ang opening production number ni Lady Gaga na kumanta ng “Mon Truc en Plumes” by Zizi Jeanmaire.
Naging makasaysayan din ang muling pagpe-perform ni Celine Dion makalipas ang ilang taon after niyang ma-diagnose ng Stiff Person Syndrome diagnosis noong December, 2022.
Kumanta siya sa Eiffel Tower para sa closing ceremony ng original ni Edith Piaf na “Hymne A L’Amour.”
Ayon kay Sylvia, pagkatapos ng opening ceremony, agad silang nanood ng qualifying round para sa Men’s Artistic Gymnastics bilang suporta sa Filipino gymnast na si Carlos Yulo.
“Sobrang nakakaproud ka (Carlos). Laban Caloy! Laban Pilipinas!” ang pahayag ng premyadong aktres sa kanyang Instagram Stories kalakip ang video ng binatang atleta.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapanood si Ibyang ng Olympics at hindi raw niya maipaliwanag ang saya at excitement na nararamdaman niya para sa mga atletang Pinoy.
Sa kabuuan, may 22 athletes ang bansa para sa Paris Olympics kabilang na ang mga boxer na sina Nesthy Petecio, Eumir Marcial, at Carlo Paalam na nagwagi na ng mga medalya sa Tokyo 2020.
Naroon din sina John Cabang Tolentino, EJ Obiena, at Bianca Pagdanganan.
Ang mga bayaning Filipino Olympians ay rumampa rin sa Olympic opening ceremony sa River Seine suot ang “Sinag” barong mula sa fashion designer na si Francis Libiran.