Luis iniyakan ang ‘It’s Your Lucky Day’, binansagang Pambansang Host

Luis iniyakan ang 'It's Your Lucky Day', binansagang Pambansang Host

Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut

DESERVE naman ni Luis Manzano ang kanyang titulong “Pambansang Host” dahil sa dami na ng mga programang hinawakan niya nitong nagdaang dalawang dekada.

Yes! Mahigit 20 taon na sa entertainment industry ang mister ni Jessy Mendiola at halos lahat ng ginawa niyang proyekto sa ABS-CBN ay puro hosting job.

Sa kanyang bagong vlog, inalala ni Luis ang kanyang first journey bilang host at VJ sa music channel na MYX hanggang sa latest Kapamilya game show niyang “Rainbow Rumble.”

“Looking back, nasa 20 plus years na ako sa industriya and most of those 23-plus years, hosting yung ginagawa ko from talent, reality, game show, variety, showbiz-oriented talk show, wow! Halos lahat nagawa ko na rin,” pahayag ni Luis.

Baka Bet Mo: ‘Dito at Doon’ nina Janine at JC hindi muna ipalalabas sa sinehan, pero tuloy sa online platforms

Bukod sa pagiging MYX VJ, naging regular host din siya sa Kapamilya variety show na “ASAP” hanggang sa magtuluy-tuloy na nga ang kanyang hosting job sa ABS-CBN.


“Sa MYX doon nagsimula ang lahat. Noong nag-MYX ako, I think 2002 or 2003, doon ako natuto talaga. v
Very special mention talaga sa akin ang MYX.

“ASAP ang pinaka-mainstream ko. Unang-unang pinaka-mainstream ko sa ABS-CBN at kasama pa noon si Daddy (Edu Manzano). Doon ako unang natuto ng variety show.

“Iba kasi yung demand ng VJ, iba kasi yung demand ng variety show. Unfortunately para sa inyo, nag-perform din ako doon and doon din nabuo yung Kanto Boys (grupo ng mga Kapamilya male star). More importantly, doon nabuo ang napakaraming friendship namin sa ASAP. Kaya marami akong kaibigan sa industriya,” pagbabalik-tanaw ni Luis.

Naging host din siya noon ng noontime show na “Wowowee” for three months kung saan siya ang napiling pumalit pansamantala kay Willie Revillame.

Baka Bet Mo: Carmina naisipan nang mag-quit sa showbiz at manirahan sa US: Bahala na si Batman kung ano ang gagawin ko doon

“Doon ko na-realize kung ano yung nae-enjoy ko sa game show. Doon ako na-in love sa game show. Doon ako na-in love sa energy ng noontime.

“Doon ko na-realize na ang dream ko bilang isang host or isang game show host ay magkaroon ng noontime show or kaya magkakaroon ng show na sariling amin,” sey pa ni Luis.


Knows n’yo ba na si Luis sana ang magiging host ng “StarStruck” sa GMA 7 kasama ang dati niyang partner na si Nancy Castiglione pero kinuha siya ng ABS-CBN para mag-host ng reality talent search na “Star Circle Quest”.

Mula noon, nagsunud-sunod na ang kanyang hosting job kabilang na ang “QPids” kasama si Anne Curtis, “Pinoy Big Brother”, ang showbiz talk show na “E Live” (Entertainment Live) at marami pang iba.

Naging host din siya ng local franchise ng “Deal or No Deal” at “Minute To Win It”, “Ito yung first foray ko sa ganitong klase ng game show. Ito yung parang first biggest game show na ibinigay sa akin ng ABS-CBN and ito nga iyong nagpabago ng image ko.

“To be part of a franchise that big, doon nagsimula ang lahat. Iba yung training and iba yung experience ng Deal or No Deal na up until now hinahanap pa rin sa akin,” ani Luis.

Tungkol naman sa “Minute To Win It,” “Feeling ko, isa ito sa mga highlights na kahit matagal na ako sa TV, isa ito sa mga naging nagpa-household name sa akin. Ito yung nagpatatak sa akin as a host.”

Nag-host din siya noon ng “Family Feud” sa ABS-CBN, “Minahal ko itong show na ito. Itong Family Feud, Masarap kasi kapag fan ka ng show tapos ikaw gagawa ng show.”

Samantala, inalala rin ni Luis ang sinasabing pinakamaikling noontime show sa kasaysayan ng Pilipinas, ang “It’s Your Lucky Day” na pansamantalang pumalit sa “It’s Showtime” nang ma-suspend ito ng MTRCB.

“(Sa It’s Your Lucky Day), iniyakan ko ito. Twelve days. Kaya ako umiyak dahil siguro sa sobrang biglaan binuhos namin lahat ang kaya naming gawin sa It’s Your Lucky Day at sabi ko nga babalikan ko, ang dream ko talaga, noontime (show) na original.

“It was a dream come true para sa akin and para sa aming lahat,” sabi pa ni Luis.

Patuloy pa niya, “After 23, 25 years in the industry, I’m still learning, and you’re part of that experience. Lahat ng mga kasama ko since Day 1 sa MYX up until now sa Rainbow Rumble, maraming salamat sa inyo,” mensahe pa niya sa madlang pipol.

Read more...