Rio Locsin sa youngstars: Kung gusto mong magtagal, disiplina lang

Rio Locsin sa youngstars: Kung gusto mong magtagal, disiplina lang

Rio Locsin at Ruru Madrid

HINDI kailanman nagdamot ang veteran actress na si Rio Locsin sa pagtulong at pagbibigay payo sa mga kabataang artista na nakakatrabaho niya.

Kung may isang showbiz icon na may karapatang magbigay ng advice sa mga youngstars ngayon para magtagal sa entertainment industry, yan ay walang iba kundi si Rio.

In fairness, sa ilang dekada ng beteranang aktres sa pelikula at telebisyon ay masasabing in na in pa rin si Rio dahil kahit kailan ay hindi siya nawala sa eksena.

Baka Bet Mo: Kapatid ni Chie graduate na, todo-pasalamat sa sakripisyo ng aktres

Puring-puri siya ng mga manonood sa katatapos lamang na Kapuso hit series na “Black Rider” kung saan talagang nagmarka ang kanyang role na posibleng magbigay pa sa kanya ng best actress award.


Bago magtapos ang top-rating action series ng GMA last Friday, nakachikahan ng ilang members ng media si Rio via zoomcon at natanong nga siya kung may bad experience siya sa mga youngstars ngayon?

“Wala naman akong bad experiences kaya lang magkaibang- magkaiba ang panahon namin ng pagtatrabaho at sa panahon ngayon ng pagtatrabaho.

“Kasi ang napapansin ko talaga noong panahon namin, mas grabe ang disiplina sa mga artista. Ngayon medyo mas lax kaya yung mga arista ngayon, medyo lax din sila.

“Pero sabi ko nga, sa taping namin, kapag yung mga kabataang artista ay lumapit sa akin o magtanong, humingi ng opinyon sa akin o humingi ng advice, readily ibibigay ko iyong hinihingi nila.

Baka Bet Mo: Kim Domingo umaming tumaba: Minsan kasi wala rin akong disiplina sa food!

“Pero hangga’t hindi sila lumalapit sa akin, sino naman ako para pangunahan sila? Pero iyon, gusto ko sana na ma-instill sa bawat bago o iyong ngayong mga kabataang artista yung disiplina,” pahayag ng aktres.

Esplika niya, “Kasi importante iyon sa isang nagsisimula at saka kung gusto mo talagang magtagal, disiplina sa trabaho mo, pagmamahal sa trabaho mo.

“At siyempre pakikipagkapwa-tao mo, importanteng-importante iyon,” dagdag ni Rio na parang hindi rin tumatanda sa edad na 63.


Sa tanong kung ano ang masasabi niya sa lead stars ng “Black Rider” na sina Ruru Madrid at Yassi Pressman, “Ay, wala po akong problema sa kanila. Mababait po talaga lahat at saka magagalang, marespeto.

“Si Ruru lagi akong inaalagaan kasi mahihirap ang mga eksena namin, e, lagi siyang nakaalalay. Kahit saang set po ako mapunta, sa unit 1, sa unit 2, sinuman ang mga kasama ko, nakaalalay po sila sa akin kasi senior citizen.

“Iyon po, inaalagaan nila ako. Kapag mabibigat na eksena, ‘Okay ka lang po, Tita? Okay ka lang po?’

“Naa-appreciate ko iyon kasi pag dumating ka sa edad ko ngayon parang, parang iba na yung pakiramdam mo,” aniya pa.

Bilang senior citizen na rin siya, ang talagang iniisip niya palagi ay ang mapagaan ang trabaho sa shooting, “Siyempre, wala na yung kumpetisyon ano. Mas gusto mo na lang na nakakatulong ka o nahihingan ka ng tulong imbes na magiging pabigat ka.

“Gusto mo namang lagi kang mag-i-impart ng knowledge, yung may ma-i-impart ka na makakatulong ka sa kanila. Kaya iyon ang kahit paano sa maliit kong kakayanan ay sana ay naibabahagi ko sa kanila,” sey pa ni Rio Locsin.

Read more...