Eugene biktima ng poser sa socmed, pati sina ‘Kimmy Dora’ nadamay

Eugene biktima ng poser sa socmed, pati sina 'Kimmy Dora' nadamay

Eugene Domingo

NAGBIGAY babala ang komedyanang si Eugene Domingo sa publiko matapos madiskubre ang poser na gumagamit sa kanyang pangalan at litrato sa social media.

Ibinuking ni Uge ang netizen na nagpapakilalang siya sa pamamagitan ng paggamit ng fake profile sa social media, partikular na sa Instagram.

Ipinost ng award-winning actress ang screenshot ng naturang fake account sa kanyang official at verified Instagram page kalakip ang warning sa lahat ng IG followers niya.

Baka Bet Mo: Pokwang sinunod ang payo ni Uge na ipahiram na si Malia kay Lee O’Brian

Ayon kay Eugene, naglalaman ang fake account ng 39 post na halos lahat ay kinuha lamang sa kanyang IG page. Meron na rin daw itong 126 followers.

Ipinagdiinan ni Uge na wala na siyang ibang social media accounts bukod sa  kanyang official Instagram account.


“This is not MINE. Wala akong back up account. Huyyy! @eugenedomingo_backup_account STOP mo yan,” ang inilagay na caption ng komedyana sa IG.

Ibinahagi rin ni Eugene sa Instagram ang pakikipag-chat ng naturang poser sa ilan niyang mga kaibigan. Makikita sa screenshot ang mga kaduda-dudang mensahe ng poser.

May isa pa nga na nagtanong sa isa niyang friend kung saan siya nakatira na aniya’y delikado at nakakatakot na.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz umalma sa poser ni Kim Rodriguez: Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat!

“For your information–– for our safety and responsibility. Please know that I have NO other public social media accounts but this one–– with (Instagram) verification,” sabi pa ni Uge.

Maraming followers si Uge na nag-report sa naturang fake account at dahil dito disabled na ang naturang account. Dagdag na mensahe pa ni Uge, “Be safe, my dear followers.”

May mga nag-suggest naman kay Eugene na i-report ang insidente sa Meta, ang American multinational technology conglomerate na siyang nagmamay-ari sa Instagram.


Ilang netizens naman ang nagbiro at nagsabing baka raw ang kakambal ni Kimmy na si Dora ang nasa likod ng pekeng account. Ang tinutukoy nito ay ang kambal na karakter ni Uge sa pelikulang “Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme.”

Samantala, makakasama si Eugene sa upcoming Metro Manila Film Festival 2024 entry na “And The Breadwinner Is” with Vice Ganda, directed by Jun Robles Lana.

This is under ABS-CBN Film Productions and The IdeaFirst Company.

Read more...