Petite 5 araw na-confine sa ospital dahil sa ‘obstructive sleep apnea’

Petite 5 araw na-confine sa ospital dahil sa 'obstructive sleep apnea'

PHOTO: Instagram/@petitebrockovich

“LOVE yourself!”

‘Yan daw ang natutunan ng komedyanteng si Petite matapos ma-confine sa ospital ng limang araw.

Sa Youtube vlog na “Petite TV,” ibinunyag ng komedyante na na-diagnose siya ng tinatawag na Obstructive Sleep Apnea.

“Kaya pala laging masakit ‘yung ulo ko. Laging ang bigat bigat ng pakiramdam ko, Parang akong tatrangkasuhin dahil doon,” kwento niya.

Paliwanag niya, “Kasi pag natutulog pala ako, pag sobrang hilik, bumababa ang oxygen tapos minsan yung paghinga, nag-stop sa sobrang hilik. Nag-stop ng ilang seconds yung breathing, so sobrang delikado ‘yun.”

At para maiwasan ito ni Petite na maranasan ulit, sinabi niya na kailangan niyang bumili ng BPAP (Bilevel Positive Airway Pressure) machine.

Baka Bet Mo: Petite napakalaki ng utang na loob kay Vice: ‘Nu’ng nawasak ang puso ko siya ang una kong tinakbuhan, iyak ako nang iyak!’

“So kapag natutulog ilalagay ‘yun [sa may bibig at ilong] para dire-diretso [ang tulog],” saad niya.

Bukod daw diyan ay back to weight loss program na rin siya, “For my health and wala namang binawal na pagkain kasi normal naman lahat. Pero dahil magpapapayat ako, magda-diet pa rin ako.”

Bago ibunyag ng komedyante ang kanyang sakit, ibinahagi niya sa video ang ilan lamang sa mga natutunan niya.

Isa na riyan ‘yung pagpapahinga ng mabuti sakaling makaramdam ng pagod.

“Kasi minsan, pag sobrang sipag din natin talaga, minsan bumibigay din ang katawan natin na hindi natin napapansin,” wika niya.

Dagdag niya, “Minsan, hindi natin nararamdaman, nagrereklamo na pala ‘yung katawang lupa natin so importante ang magpahinga.”

Nabanggit din niya ang importansya na pagtulog sa gabi na walong oras na dire-diretso.

“Hindi pwede ‘yung magna-nap ka lang, kaya ko na ‘to, hindi! Kahit hindi niyo makumpleto ang eight hours, kahit seven lang, okay lang. Pero make it sure na naka-eight hours kayo,” giit ni Petite.

Ani pa niya, “Tsaka iba pa rin talaga ‘yung tulog sa gabi, kaysa sa araw. So make sure, lalo na sa mga katrabaho ko sa industriya na ugaliing matulog ng gabi kahit sa day off.”

Ilan din sa mga nabanggit niya ay ‘yung tungkol sa pagkain, paninigarilyo at pag-inom ng alak.

“At ‘yung mga kinakain din natin, dapat be mindful or bantayan natin ‘yung mga kinakain natin kasi hindi na tayo bumabata!” saad niya sa vlog.

Aniya pa, “‘Yung paninigarilyo, pag-inom ng alak stop, stop, stop, stop! ‘Yung pag-aalak okay lang ‘yun basta in moderation, pero ‘yung cigarette, stop na.”

Biro pa niya, “Tapos ‘yung panlalalake, wala naman sinabi ‘yung doktor na itigil kaya diretso! Laban pa rin tayo!”

Tama ‘yung sinabi ni Petite tungkol sa kanyang sakit dahil nang sinearch namin ito sa internet, nalaman namin na ang Obstructive Sleep Apnea ay isang breathing disorder sa pagtulog

“[It] occurs when the muscles that support the soft tissues in your throat, such as your tongue and soft palate, temporarily relax. When these muscles relax, your airway is narrowed or closed, and breathing is momentarily cut off,” sey ng academic medical center na Mayo Clinic.

Read more...