Aster Amoyo sa pamba-bash ng KimPau fans kay Rhen Escaño: Bastusan na!

Aster Amoyo sa pamba-bash ng KimPau fans kay Rhen Escaño: Bastusan na!

Aster Amoyo, Rhen Escaño, Paulo Avelino at Kim Chiu

APEKTADO ang sexy actress na si Rhen Escaño sa pamba-bash at pambabastos sa kanya ng ilang fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa katunayan, umiiyak na raw ang dalaga sa natatanggap at nababasang mga kanegahang komento mula sa KimPau fans mula nang kumalat ang malilisyosong balita tungkol sa kanya at kay Paulo.

May mga tsismis kasing kumalat sa social media na si Rhen daw ang secret dyowa ni Paulo at niloloko umano ng mga ito si Kim na pinaniniwalaan namang girlfriend ngayon ng aktor.

Baka Bet Mo: Rhen nanghihinayang dahil hindi inabot si Julia sa ‘Ang Probinsyano’

Mariin itong pinabulaanan ng talent manager ni Rhen na si Tita Aster Amoyo kasabay ng panawagan sa fans nina Kim at Pau na tigilan na ang pambabatikos at panghaharas kay Rhen.


“Sana, alamin muna nila ang totoo bago sila maging judgmental sa tao. Kasi ‘yung bata, apektado. Umiiyak na si Rhen dahil hindi na ito maganda,” pahayag ni Tita Aster sa BANDERA.

“Below the belt na ang bashings. Pati ‘yung clips ng pelikula niyang ‘Adan,’ kinakalat na nila (ng fans) na parang bastusan na, eh, bastusan na,” ang masamang-masama ang loob na sabi pa ng online host at veteran showbiz columnist.

Sabi pa ni Tita Aster, hindi raw close sina Rhen at Paulo at wala rim siyang natatandaang nagkasama o nagkalapit ang dalawa sa isang showbiz event.

“Hindi totoo talaga. Hindi totoo. Kaya pakiusap ko na lang po sa KimPau fans, huwag naman ganu’n, maging fair kayo sa bata, lalo pa’t wala naman siya talagang kinalaman,” sabi pa ng manager ni Rhen.

Baka Bet Mo: Mark Leviste mahal na mahal pa rin si Kris: ‘I left my heart in America…ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko’

Nakiusap din siya kay Paulo na sana’y magsalita ito at linawin ang isyu para tumigil na ang mga fans sa pamba-bash kay Rhen.


“Sana, magsalita rin siya. Para i-clear naman ang pangalan ni Rhen para hindi naman masisira ‘yung bata. Wala siyang kinalaman, eh,” sey pa ni Tita Aster.

Tinanong ng BANDERA ang talent manager kung may balak ba silang magsampa ng cyber libel case laban sa mga nanghaharas at nambabastos kay Rhen.

“Pinag-uusapan namin, yes. Pero wala pa namang ganu’n. Pero sana tama na.  Tigilan na nila. Alamin n’yo muna kung ano ang totoo. Kasi sobra nang nasasaktan si Rhen. Ginagawa lang niya ang kanyang trabaho and she’s a very good actress.

“Ibinibigay niya ang kanyang all para ma-justify niya ang whatever role na binibigay sa kanya tapos sisirain lang siya nang ganu’n. ‘Wag naman,” ang sabi pa ni Tita A.

Read more...