Mark Leviste mahal na mahal pa rin si Kris: 'I left my heart in America...ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko' | Bandera

Mark Leviste mahal na mahal pa rin si Kris: ‘I left my heart in America…ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko’

Ervin Santiago |October 15,2023
facebook
share this

Mark Leviste mahal na mahal pa rin si Kris: ‘I left my heart in America…ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko’

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 10:03 AM

Mark Leviste mahal na mahal pa rin si Kris: 'I left my heart in America...ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko'

Kris Aquino at Mark Leviste

MARAMI ang naguguluhan at nagtatanong kung ano ba talaga ang real score sa pagitan nina Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa mga naging pahayag kasi ng politiko sa panayam ng  entertainment columnist na si Tita Aster Amoyo na mapapanood sa kanyang YouTube channel na “TikTalk with Aster Amoyo” ay tila sila pa rin ni Kris.

Kabaligtaran ito sa naging pahayag ng Queen of All Media na wala siyang karelasyon ngayon at hindi na raw sila nag-uusap ni Mark.

Ayon sa vice governor, hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya si Kris at hindi nagbabago ang pagtingin niya rito sa kabila ng mga naging pahayag ng aktres at TV host laban sa kanya.

Baka Bet Mo: Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: ‘Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon’

Natanong ni Tita Aster si Mark kung kung kumusta na ang lagay ng puso niya ngayon. Natatawang sagot ng politiko, “The last time I checked, I left my heart in America!”

Aniya, hindi na raw kailangang sabihin kung saan sa US niya naiwan ang kanyang puso dahil knows na raw ito ng madlang pipol.

Sa mga hindi pa masyadong aware, matagal nang nasa Los Angeles si Kris  para sa series of medical treatment. Kasama niya roon ang anak na si Bimby habang pabalik-balik naman doon at sa Pilipinas ang panganay niyang si Joshua.

Walang binabanggit na pangalan sina Mark at Tita Aster ngunit very obvious namang si Kris ang kanilang topic. Sabi pa ni Mark, “Sa aking pagkakaalala, ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko.”

Sa question kung umabot ba siya sa puntong nag-propose na sa taong pinakamamahal niya, umiwas na si VG Mark na sagutin ito, “I’ll tell you off-air.”

Ngunit ipinagdiinan niya na handa na siyang magpakasal uli sa taong mahal niya dahil annulled na raw ang kasal niya sa dating asawa.

Next question, gaano ba niya kamahal ang taong tinutukoy niya, “Can I keep that private? Ha-hahaha! But I think, I cannot deny my expression, even my joy says it all. So, I’m proud of where I am, I’m proud of my love, I’m proud of what we have.”

Hindi rin daw nagbago ang pagmamahal niya kay Kris, “As far as I’m concerned, walang nagbago sa akin.”

Baka Bet Mo: Kris unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’

Sundot na tanong ni Tita Aster, “Mahal mo pa rin siya?” Sagot ni VG Mark, “Mahal ko siya.”

Suot pa rin ng politiko hanggang ngayon ang Trinity ring na bigay ni Kris sa kabila ng mga nangyari sa kanila, “Through thick or thin, Tita Aster, lagi ko pong suot ang singsing na galing sa kanya. To symbolize, to show my love, my value for friendship and my fidelity.”

Maraming nakapanood sa nasabing panayam ang takang-taka sa sitwasyon ngayon nina Mark at Kris. Bigla na naman silang naguluhan sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sabi kasi ni Kris sa huli niyang Instagram post, “I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and i feel more PEACEFUL.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No details because i value my privacy and respect his, and i chose to only give the FACTS that should be addressed,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending