Rhian best actress sa TAG Awards Chicago; Mikee may inamin kay Paul

Rhian best actress sa TAG Awards Chicago; Mikee may inamin kay Paul

Rhian Ramos, Mikee Quintos at Paul Salas

NANALONG best actress sa 4th TAG Awards Chicago ang Kapuso actress na si Rhian Ramos para sa murder mystery series na “Royal Blood.”

Naiuwi ni Rhian ang parangal para sa kanyang world-class acting bilang si Margaret Royales na talaga namang tumatak sa mga manonood.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza ‘tumakas’ muna sa showbiz life, nagbakasyon sa Chicago: Felt like I was drowning…

Nagmarka sa televiewers ang palaban at mysterious role na ito ni Rhian, na siya ring main culprit sa pagkamatay ni Gustavo Royales, na ginampanan ng award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III.


Talaga namang deserve na deserve ni Rhian ang naturang international award na siguradong aani rin ng mga nominasyon (at pagkapanalo) sa susunod na awards season.

* * *

Pagkatapos ng kanyang bubbly debut single na “Just Enough” noong 2021, magbabalik sa music scene ang Sparkle artist na si Mikee Quintos with her new single under GMA Playlist, ang “Senyales.”

“Senyales” explores the uncertainties of a blossoming relationship, drawing inspiration from the singer-actress’ real-life romance with her current boyfriend, Paul Salas. The song’s cover art is based on a real photo of them before they officially became a couple.

Iniaalay ng Kapuso actress at singer ang song kay Paul, especially the titular lyric “Ilang senyales pa ba?” as she recalls how long it took Paul to realize that the feelings were mutual.

Baka Bet Mo: True ba, Jake Zyrus inakalang namatay pero muling nabuhay?

“Minsan kasi ayaw natin sabihin ng diretso, gusto natin mauna sila umamin. Medyo ang tagal din ng senyales ko kay Paul bago niya makuha na gusto ko na rin siya,” sey ng dalaga.


Paglalarawan pa niya sa kanta, “It’s pop, but not like upbeat pop. It’s relaxed pop. I imagine people listening to it when they drive.”

“Senyales” is Mikee’s second single under GMA Playlist. Although she is still a relatively newcomer to the music industry, she admits that the new single is a step closer to the fulfillment she seeks in her music.

“I feel more comfortable and relaxed with this song and this genre,” saad ni Mikee.

As a singer, Mikee notes many factors in her songs, such as getting her message across and if she is being heard, “Iba ‘yung naririnig sa pinapakinggan. Pinapakinggan ba ako, gusto ba ako pakinggan?”

“Senyales” resonates with people who struggle to express their overwhelming feelings. “Yung hindi nila malabas kaso pumuputok na yung feelings nila with love. Ito yun. This is that song.”

Available na ngayon ang “Senyales” sa lahat ng  digital platforms.

Read more...