Max Collins, Roberta Tamondong ginagamit ng mga scammer: Manloloko!

Max Collins, Roberta Tamondong ginagamit ng mga scammer: Manloloko!

Roberta Tamondong at Max Collins

BINALAAN nina Max Collins at Roberta Tamondong ang publiko laban sa mga sindikatong gumagamit sa pangalan ng mga artista para makapanloko ng inosenteng tao.

Unang nagbigay ng warning ang Kapuso actress na si Max na sinundan ng beauty queen-host na si Roberta tungkol sa mga poser at scammer na nanghihingi ng pera at donasyon para raw sa mga biktima ng super typhoon Carina.

Baka Bet Mo: Wish ng pamilya ni Mars Ravelo, sina Daniel at Kathryn sana ang mapili sa pagbabalik ni Captain Barbell

Sa kani-kanilang Instagram account, halos sabay pang nag-post sina Max at Roberta para ipaalam sa publiko na may isang Viber user na gumagamit sa kanilang pangalan para makapagnakaw ng pera mula sa kanilang mga kaibigan.


Pambubuking nina Max at Roberta, ang modus ng sindikato ay padadalhan ng message ang kanilang mga kakilala para mangolekta ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo at malawakang pagbaha sa Marikina.

Paglilinaw ni Max sa kanyang Instagram post, peke at poser ito, kalakip ang screenshot ng panghihingi ng scammer ng donasyon gamit ang pangalan at litrato niya

“Nakakahiya ka kung sino ka man. Taking advantage of my friends. This isn’t me guys please block whoever is asking for donations.

Baka Bet Mo: Heart binalaan ang publiko laban sa sinungaling na doktor; netizen pinayuhang magdemanda

“Please block this person messaging my friends asking for donations. Feeling ko this is someone from work.

“Please stop scamming people thanks God bless,” warning ng Kapuso actress.


Nang makarating naman kay Roberta ang modus ng scammer, agad niyang winarningan ang kanyang social media followers at sinabihang huwag agad-agad maniniwala sa mga nababasa nila online.

Sabi pa ng ating Bb. Pilipinas Grand International 2022, mag-doule check palagi kapag may natatanggap na mga kahina-hinalang mensahe sa socmed.

At kung may pagkakataon, mas mabuting tawagan daw agad ang mga taong involved para makasiguro at hindi mabiktima ng mga sindikato na naglipana ngayon sa socmed at internet.

“Kung sino man po nag papanggap na ako at gusto po hmingo ng pera sa mga kaibigan at kapamilya ko hindi po ako yun.

“Please report nyo po and block para hindi na nya kayo ma-contact!” pahayag ni Roberta Tamondong.

Read more...