Jennylyn nagkukulong sa kwarto kapag magkaaway sila ni Dennis

Jennylyn nagkukulong sa kwarto kapag magkaaway sila ni Dennis

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Dylan at Rhea Tan

MAY mga pagkakataong nagkakatampuhan at nag-aaway din ang Kapuso celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Tulad ng ordinaryong mag-asawa, nagkakaroon din ng bangayan sina Dennis at Jen lalo na kapag parehong mainit ang kanilang mga ulo at wala sa mood.

Pero sabi ng aktres, natutunan na raw nilang mag-adjust sa isa’t isa kapag nag-aaway at nagkakasagutan na tungkol sa mga dumarating na problema.

Baka Bet Mo: Derek, Ellen 3 beses pa lang nag-aaway: Pareho kaming may strong personality, pero…

“Kapag medyo mainit na ‘yung ulo, hihiwalay muna kami ng kwarto. Magkukulong ako rito, du’n siya sa kabila. ‘Yung ganu’n. ‘Yung alam namin kung paano siya iha-handle,” ang pahayag ng Kapuso Ultimate Star sa mediacon ng Beautéderm Corporation kung saan siya ni-launch bilang latest brand ambassador.


In fairness, ang ganda-ganda at ang sexy-sexy pa rin ni Jennylyn kahit dalawa na ang kanyang mga anak kaya ang sunod na tanong sa kanya ay kung paano niya hina-handle ang stress ng pagiging ilaw ng tahanan.

“Well, si Dennis kasi, napakabait na partner, so ang ganda ng tandem naming dalawa. Pag ako ‘yung nai-stress at hindi ko alam ang gagawin ko, siya ‘yung ‘o teka, ako muna, relax ka lang diyan, matulog ka, ano ka lang, ano gusto mo?’ ‘Yung ganu’n,” pahayag pa ni Jen.

“Nakatulong ‘yung matagal nang naging kami at nakilala na namin nang husto ang isa’t isa,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Cassy umaming dream partner si Alden; excited na sa pagiging bagong ‘baby’ ni Rhea Tan

But of course, nagpakatotoo naman ang Kapuso Ultimate Star na tumatanda na rin siya at nagiging visible na ang mga fine lines niya sa face. Nabanggit din niyang may mga sakit siya sa balat tulad ng psoriaris at rosacea.

Kaya pagdating sa skin care products ay very choosy siya kabilang na riyan ang Beautéderm na ineendorso na niya ngayon.

Kaya naman todo ang pasasalamat niya sa Beautéderm founder at CEO na si Rhea Tan, na nagdiriwang ngayon ng 15 years sa skincare at wellness industry.


Ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) ang pro­ducts na ine-endorse ng wifey ni Dennis.

Mensahe ni Ms. Rei, “I follow Jennylyn Mercado on Instagram. Some of her dear friends also told me before that she’s a nice person. Her star power and huge social media following will hopefully connect us to more consumers. Jennylyn embodies grace and beauty.

“I welcome Jennylyn to Beautéderm family. I hope this partnership will inspire Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin,” sabi pa ng super successful lady boss.

Reaksyon naman ni Jen, “She’s really good at what she does — business. People look up to her. People follow her. You know why? Because she’s authentic and sincere. I am very grateful for her trust and for the trust of her company. I believe in the products.”

At bongga rin ang pagpapakita ng pagmamahal at pagbibigay-importansya ng Beautederm CEO kay Jen! Niregaluhan lang naman niya ng diamond tennis bracelet at Hermes bag.

Read more...