Luis handa nang sumabak sa politika, suportado ng mga madre’t pari

Luis handa nang sumabak sa politika, suportado ng mga madre't pari

Luis Manzano, Jessy Mendiola at Baby Peanut

HUWAG na kayong magtaka kung isa si Luis Manzano sa mga kilalang celebrities na tatakbo sa magaganap na eleksyon next year.

Mismong ang asawa ni Jessy Mendiola na ang nagsabi na very open na siya ngayon sa posibilidad na mapasabak sa mundo ng politika at public service.

“Kung sakaling bumukas ‘yung pinto na ‘yan, mas iko-consider ko na. I guess that’s the best way to put it. Mas i-consider ko nang tumakbo.

Baka Bet Mo: Neil Arce bumanat sa mga nagsabing tatakbo si Angel sa 2022 kaya laging tumutulong

“Kasi before kaya kong magbigay ng sagot na, ‘Hindi pa,’ na kaya kong sagutin ‘pag tinanong mo ako, ‘Luis tatakbo ka?’ Sagot ko, ‘malabo-labo.’ Ngayon it’s more of pwede, tingnan natin kung saan tayo dalhin,” pahayag ng TV host-actor sa panayam ng “On Cue.”


Naniniwala si Luis na destiny ang pagiging public servant, “I think kahit paano you can be equipped to some degree pero the moment na ihalal ka, I think from that day up to the day that you decide to step away, it’s a learning experience.”

Inamin din ng anak nina Vilma Santos at Edu Manzano na parehong sumabak sa politics, na marami na rin ang kumukumbinsi sa kanya na tumakbo at maglingkod sa bayan.

“Dati pa, naalala ko, I would go to Batangas for different events. This was years ago. Marami event akong napuntahan dati at may mga sektor na kumakausap sa akin.

“May mga sektor at grupo na, naalala ko may grupo ng mga guro, may grupo ng mga pari, may grupo ng mga madre, different sectors, mga negosyante, asking if I would or if I could run and nakikita ko ‘yung tiwala na handa nilang ibigay sa akin kung saka-sakali na tahakin ko nga ang mundo ng public service,” pag-alala ni Luis.

“‘Yung time na yun hindi pa ako handa. Basta bawat punta ko sa Batangas meron at meron akong nakakausap, kahit dito sa ABS-CBN,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Arci, Richard, Alvin nadagdag sa listahan ng mga celeb na tatakbo sa Eleksyon 2022

In fairness, marami ang nagsasabi na siguradong mamanahin niya ang galing ng ina niyang si Ate Vi pagdating sa paglilingkod sa bayan pati na ng step dad niyang si Ralph Recto.

“When you hear something like that it means na napaganda ng legacy na iniwan ng mommy mo. At may tiwala sila sa ‘yo na kaya nilang ituloy ‘yun o dagdagan pa ang legacy na iniwan ni mommy at ni tito Ralph.


“I would like to think na base sa nakita ko sa mga magulang ko, handa rin naman ako mag-aral ulit,” aniya pa.

Dagdag pang pahayag ng TV host, “Minsan lahat ng pinag-aralan mo mas marami ka pang matutunan ‘pag kasama mo ‘yung mga tao, di ba? Iba talaga.

“A book can only go so far but at the same time you’re going to learn so many things from the people, from your constituents, tapos du’n na susuportahan ang mga natutunan mo mula sa mga libro,” lahad ni Luis.

At tungkol naman sa reaksyon ng wifey niyang si Jessy sa posibleng pagsabak niya sa politika, “Di pa rin niya ma-imagine actually. We had a talk ’cause I am not getting any younger din naman.

“If ever I do enter politics, parang ngayon pa lang alam ko na, parang ngayon pa lang if I have your go signal or if medyo alanganin ka so medyo umiyak siya kasi ibang-ibang mundo ‘yan.

“Ibang-ibang mundo ang serbisyo (publiko). As much as you want to believe kasi na serbisyo ang intensyo mo, hindi pa rin mawawala ang politika. You wanna believe na rainbows and butterflies ang public service, hindi.

“Meron at merong susundot na politika diyan. So sabi ko kung saka-sakali man, at least I know na okay sa ‘yo,” aniya pa.

Read more...