JK proud sa pagkapanalo ni Dia Maté sa Miss World PH, may pa-kiss pa

JK proud sa pagkapanalo ni Dia Maté sa Miss World PH, may pa-kiss pa

Dia Maté at JK Labajo

PROUD na proud si JK Labajo sa kanyang dyowang si Deanna Marie “Dia” Maté matapos masungkit ang isa sa mga korona at titulo sa Miss World Philippines 2024.

Ang girlfriend ni JK mula sa Cavite ang kinoronahang Reina Hispanoamericana Pilipinas 2024 sa ginanap na national pageant sa MOA Arena, Pasay City, nitong nagdaang July 19, 2024.

Si Khrisna Gravidez naman ng Baguio ang nanalong Miss World Philippines 2024.

Baka Bet Mo: Pagtsugi ni Heart sa apelyido ni Chiz sa Instagram name ‘for branding purposes’ lang daw; gamit pa rin ang ‘Escudero’ sa Twitter

Sey ni JK sa panayam ng ABS-CBN, “I am so proud, honestly. She has come a really long way ever since she started. I’m just… I don’t know, I’m lost for words.”


Si Dia ang magiging bet ng Pilipinas sa  Reina Hispanoamericana 2024 pageant na gaganapin sa Bolivia.

Matatandaang naging kandidata rin sa Miss Universe Philippines 2024 ang dyowa ni JK, kung saan si Chelsea Manalo naman ng Bulacan ang nagwagi.

Nang tanungin kung sasamahan ba ni JK ang kanyang parter sa international pageant para suportahan ang dalaga, “It depends. It depends.

Baka Bet Mo: Deanna Wong, Ivy Lacsina sweet na sweet, netizens kinilig: ‘Status reveal naman diyarn!’

“It depends on his schedule,” sabi naman ni Dia.


“No, but I wanna go, definitely. I wanna go. But I’m really proud, I’m really proud. It’s her spotlight,” sabi ni JK patungkol sa pagkapanalo ni Dia.

Matatandaang sa isang interview ay ibinahagi ni Dia na super supportive boyfriend si JK sa pagsali niya sa mga pageant.

“He’s always just been my sidekick, my partner, and he is just there for whatever I need, whether that be a shoulder to cry on, someone to cheer me on, or someone to even give me random Q&A advice or practice,” sabi ng beauty queen.

Read more...