Bimby, Joshua bumalik aged sa US, may nalaman tungkol kay Kris

Bimby, Joshua agad na bumalik sa US, may nalaman tungkol kay Kris

Ervin Santiago - July 22, 2024 - 02:11 PM

Bimby, Joshua agad na bumalik sa US, may nalaman tungkol kay Kris

Kris Aquino, Joshua, Bimby at Dindo Balares

ANO nga ba ang dahilan at parang nagmamadaling umalis ng Pilipinas ang dalawang anak ni Kris Aquino na sina Bimby at Joshua para bumalik sa Amerika?

Ang akala kasi ng karamihan ay magtatagal sa bansa si Bimby para dito ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral pati na rin ang inaasahang pagsabak niya sa mundo ng showbiz.

Sa Facebook post ng kaibigan ni Kris at dating entertainment editor na si Kuya Dindo Balares, naibahagi niya ang tungkol sa pagbalik ng magkapatid sa US nitong nagdaang linggo.

Baka Bet Mo: Kris hindi na babalikan si Mark Leviste, doktor ang bagong dyowa

“Marami ang nag-expect na magtatagal sa Pilipinas si Bimby, dahil nai-announce ito ng kanyang Mama Kris sa interview sa kanila ni Ogie Diaz sa kanilang bahay sa Orange County, California.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Bukod sa paghahanda para sa papasukang school, may mga sinisimulan na rin kasing negotiations para sa career ni Bimb sa entertainment industry.

“Kaya maraming followers nila ang curious at nagtatanong kung bakit mabilisan lang ang pagdating at pananatili sa bansa at pagbabalik sa US ni Bimb with Kuya Josh,” ang simulang kuwento ni Kuya Dindo.

Patuloy pa niya, “Masaya si Bimb sa Pilipinas, kitang-kita ito sa posts ng iba’t ibang relatives and friends na personal niyang dinalaw para kumustahin.

“Katunayan, nang magkita kami, excited siyang nagtanong kung sino ang mga kaedad na posible niyang makasama o makatrabaho sa show business.

Baka Bet Mo: Kris hindi na babalikan si Mark Leviste, doktor ang bagong dyowa

“Noon niya naitanong ang isang young actress, na masyadong delayed ang reaction ko! After two days! Hahahaha! ‘Di ko man lang tuloy nabiro kung type, bet o crush ba niya. Super pretty naman kasi!” aniya pa.

Dagdag ng dating showbiz editor, tama ang iniisip ni Kris para kay Bimb, na maranasan din ang regular school at ang mas malawak pang mundong naghihintay sa kanya.

“Pero may message sa akin si Kris na sure akong naging cue ng mabilisang pagbabalik sa US ni Bimb.

“I have sad blood results,” sabi raw sa kanya ng TV host-actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Masaya si Bimb sa Pilipinas. Nakakasama niya ang relatives and friends. Puwede nang umpisahan ang kanyang showbiz career.

“Pero inaalagaan at pinalalaki ni Krisy si Bimb first, upang maging guardian ni Kuya Josh; at pangalawa, upang maging maalaga, maalalahanin, at loving sa lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero, makakapaghintay ang anumang plano. Dahil, siyempre, si Mama Kris ang kanyang laging priority. Kaya niyaya si Kuya Josh, at agaran na silang lumipad,” paliwanag pa ni Kuya Dindo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending