NAGSIMULA nang mag-shooting si Bossing Vic Sotto para sa 50th Metro Manila Film Festival entry niyang “The Kingdom”.
Isa sa unang limang pelikula na napili ng MMFF 2024 organizers ang family drama na “The Kingdom” kung saan makakasama ni Vic sa unang pagkakataon ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.
Ka-join din sa movie sina Sid Lucero, Sue Ramirez at Cristine Reyes, mula sa direksyon ni Michael Tuviera under M-Zet Productions, APT Entertainment at MQuest.
Baka Bet Mo: Xian Lim babu sa bait-baitan image, kinarir ang pagiging ‘psycho’
Nauna nang sumabak sa shooting ng “The Kingdom” si Bossing dahil hinihintay pang matapos ni Piolo ang ilang taping days para sa serye niya sa ABS-CBN na “Pamilya Sagrado.”
Balitang super excited na raw si Papa P na sumalang sa shooting ng kanilang MMFF 2024 entry dahil this is the first time nga na makakatrabaho niya sa isang acting project si Bossing Vic na isa raw sa mga idol niya pagdating sa comedy.
Sinisiguro ng mga producers ng “The Kingdom” na ibang-ibang Vic Sotto at Piolo Pascual ang mapapanood ng sambayang Filipino sa kanilang pelikula at naniniwala sila na meron silang something different na maihahain sa publiko this year kaya napili ang kanilang proyekto.
Samantala, feeling thankful ngayon si Bossing dahil sa patuloy na pagdating sa kanya ng mga blessings, tulad ng bago niyang endorsement, ang PlayTime.
Siya ang napili bilang ambassador ng naturang online gaming platform sa bansa. Sa isang photo at video shoot, sinamahan si Bossing ng mga executive ng PlayTime para sa paghahanda upang ibandera na isa sa dibersyon niya ngayon ay ang paglalaro ng online game.
Baka Bet Mo: Playtime nina Xian at Coleen R-16 sa MTRCB, pero ‘di dahil sa boobs, pwet
Mahigit apat na dekada na rin sa showbiz si Bossing at totoo namang naabot na niya lahat ng mga level ng kasikatan from dominating noontime TV show ratings sa “Eat Bulaga”; remarkable feat as a TV sitcom star; and movie actor and producer of commercially successful films.
Hindi siya tumitigil na palawakin pa ang kanyang lipad upang mapansin naman ang presensya online at harapin ang hamon bilang hari ng multimedia entertainment.
“It is truly heartwarming and a privilege to continue my mission to bring fun, entertainment and happiness in the daily lives of Filipinos, anytime and anywhere,” sey ng movie at TV icon.
Ayon kay Vic, hindi naman daw ito masamang gawin basta huwag lamang sobra at maglaro responsibly para happy lang.
“With Bossing as the endorser of PlayTime, players will have more fun with over 2,500 games to choose from, the largest game bank of its kind.
“PlayTime also provides the best online gaming experience with guaranteed highest cashback online gaming platform in the country, which is up to 2% higher than all other licensed platforms, and guaranteed withdrawal in 10 minutes, with a P1,000 guarantee for any delayed orders.
“PlayTime brings the same high stakes excitement to its 10 million players and growing. For starters, newcomers receive a free bonus worth P3,875,” ayon sa naturang kumpanya.
Incidentally, naging partner din ang Playtime ng Binibining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI) bilang isa sa sponsors ng katatapos na 60th Binibining Pilipinas pageant.