Family reunion big deal kay Kylie Padilla: I’m scared of dying!

Family reunion big deal kay Kylie: I'm scared of dying!

Kylie Padilla, Mariel Rodriguez at Robin Padilla

SUPER appreciated ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang lahat ng ginagawa ng kanyang stepmother na si Mariel Rodriguez para sa kanilang pamilya.

Abot-langit ang pasasalamat ni Kylie sa wifey ng kanyang tatay na si Sen. Robin Padilla dahil sa ibinibigay nitong effort at panahon sa pag-oorganisa ng family reunion para muli silang magkita-kita.

Baka Bet Mo: Dennis ‘nangumpisal’ kay Julia: Walang kasalanan ang nanay mo, kasalanan ko ‘yun

Sa guesting ng Kapuso star sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan ay natanong siya kung okay ba ang relasyon niya sa kanyang stepmom.


“Tita Mariel? I love her. We’re very good. Kasi in our family, I think she’s the one who really makes an effort to get everyone together,” pahayag ni Kylie.

Nitong mga nagdaang taon, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, ay na-realize ni Kylie na dapat sulitin at pahalagahan ang mga oras na kasama ang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay.

“It could be taken lightly but for me kasi I know I’m very aware with mortality, like I’m scared of dying. So I know every moment is sacred,” sabi ng aktres.

At in fairness, ito raw ang ginagawa lagi ni Mariel sa kanilang pamilya, “And the fact that she makes that happen, nakakasama ko ‘yung tatay ko, mga tito ko, lola ko, I cherish it.”

Baka Bet Mo: Gerald pinahirapan nang bonggang-bongga ni Dingdong sa ‘Family Feud’: ‘Ano ba? Seryoso!?’

Anak ni Robin si Kylie, at mga kapatid nitong sina Queenie, Zhen-Zhen at Ali kay Liezl Sicangco habang may dalawang supling naman ang senador at action star kay Mariel.

* * *

Nananatiling panalo sa ratings ang award-winning game show ng GMA Network na “Family Feud”.

Pero ang tunay na panalo ay ang mga studio player at avid viewers ng show. Bukod sa celebrity players na naghuhulaan ng survey answers, araw-araw ding may nananalong viewers sa mas pinalakas at mas pinasayang “Guess To Win” promo.

Limang survey questions ang lalabas sa commercial breaks ng GMA Afternoon Prime shows. May additional 2 questions din na ipapakita sa mismong episode ng “Family Feud.”


Para ipadala ang inyong mga sagot at malaman ang iba pang detalye, bisitahin lang ang http://gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin.

Araw-araw inaanunsyo ng “Family Feud” ang 7 winners ng “Guess To Win” promo na makakatanggap ng P20,000 each.

Ano pang hinihintay ninyo? Sali na, mga Kapuso, at tumutok lang sa “Family Feud,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 5:40 p.m. sa GMA-7 at Kapuso Stream.

Read more...