BAGO pumanaw ang dating mayor ng Caloocan City na si Boy Asistio ay nagkapatawaran naman sila ng kanyang asawang si Nadia Montenegro.
Kuwento ni Nadia nagkaroon sila ng closure ni Mayor Boy bago ito namatay noong 2017 sa edad na 80. Rebelasyon pa ng dating aktres, 17 years old lamang siya nang ma-in love sa pumanaw na public servant.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Nadia nitong nagdaang Biyernes, natanong siya kung ano ang kanyang mga regrets at blessing sa kanyang showbiz career.
Baka Bet Mo: Nadia Montenegro: Hindi pala ako malakas, hindi pala ako magaling…
“Maybe I would have gotten married. Maybe I would have… I really don’t know. Kasi ang iniisip ko Tito Boy, baka kung sumama ako sa kaedad ko, baka wala na kami after one year,” sagot ng aktres.
Patuloy niya, “Hindi ko talaga masasabi. Marami rin namang kasabay si Boy na nanliligaw sa akin noon. May choices naman ako, pero hindi talaga. Talagang sa kanya ako napunta, so that’s fate.”
Itinuturing naman niyang blessing ang pagdating ng yumaong alkalde sa kanyang buhay pati na rin ng kanyang mga anak.
Sa tanong kung anu-anong katangian ni Boy ang nagustuhan niya, “Persistent, very…chivalry, he’s charming, alam mo na. And at that time, honestly alam ko isa lang ‘yung kasama niya at wala na sila noon.
“Wala na sila noon nu’ng kasama niya, so wala na siyang kasama. Not knowing after, meron pa pala,” ang sabi ni Nadia sabay tawa.
Pero kahit nalaman niya ang totoo, pinanindigan ni Nadia ang relasyon at pagmamahal niya sa dating mayor ng Caloocan, “Pinanindigan ko na. I never gave up on him.”
Baka Bet Mo: Nadia Montenegro ikinumpara ang mga artista noon at ngayon: Kasi now… dami naki-create na mga monsters, spoiled brats
Dalawang linggo bago pumanaw ang politiko, nagkausap daw sina Nadia at Boy kaya nagkaroon sila ng closure, “Every January I do a prayer fast wherein I stay in my room for a few days.
“I apologized to everyone I have wronged for that year, or start the year right. And when I did that to him, I texted him, I said I’m sorry for all the mistakes I have done to you. Sabi niya ‘Ako nga itong maraming kasalanan sa ‘yo,'” pag-alala ni Nadia.
May karamdaman na raw noon si Boy nang personal silang magkausap, “When I went down to his room, that’s when we started talking.
“We’ve had a two and a half hour talk that we never had for 29 years. It was one of the most amazing moment that I will thank God for because of the closure, the forgiveness, the laughter of all the things we did to each other.
“Noong mga time na hinuhuli ko siya dati, hindi siya umamin, umamin na rin, alam mo ‘yung ganu’n. Not knowing he was gonna pass,” kuwento ng aktres.
Next na question ni Tito Boy kay Nadia, bakit siya na-in love sa dating alkalde, “His heart Tito Boy. They can say na naging babaero siya, call him all these nasty names kasi niligawan niya ‘yung bata. This is what is painful with this world, hindi nila nakilala ‘yung taong ‘yon.
“And until this day, for seven years that he’s been dead, everyday I wake up, ang iniisip ko pa rin, ano kaya ang sasabihin ni Boy sa akin sa mga ganitong sitwasyon?” aniya pa.
At sa isyu ng pagkakaroon niya ng anak kay Baron Geisler, “He would always be fair. He would always do everything na walang masasaktan, walang malalamangan.
Ito naman ang message ni Nadia para sa yumaong asawa, “Salamat, salamat. Kasi I couldn’t see myself with anyone else. Salamat sa pagtanggap sa akin kahit may mga pagkakamali ako.
“Kasi ang sagot naman niya sa akin, ‘Ilang beses mo rin ako pinatawad.’ So blessed ako na siya naging partner ko. Kung hindi siya mabuting tao, hindi siguro ang mga anak ko na we have the heart to serve, we have the heart to love, to give, to share. It’s all from Boy,” lahad ni Nadia.