Miguel bida sa Mga Batang Riles; AOS lalaban sa ContentAsia Awards 2024

Miguel bida sa Mga Batang Riles; AOS lalaban sa ContentAsia Awards 2024

Miguel Tanfelix, Zephanie at Kokoy de Santos

MATAPOS ang ginampanang iconic role bilang si Steve Armstrong sa “Voltes V: Legacy,” balik-teleserye si Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix bilang si Kidlat sa “Mga Batang Riles.”

Isa na namang challenging role ang ipinagkatiwala sa Kapuso actor na siguradong ikagugulat ng kanyang mga fans and supporters.

Kaya naman todo na ang ginagawang paghahanda ni Miguel para sa bagong role na gagampanan niya sa “Mga Batang Riles” na ibang-iba sa mga past projects na pinagbidahan niya.

Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat!

Bibida rin sa upcoming drama-action series sina Kokoy De Santos bilang Kulot, Raheel Bhyria bilang Bato, Bruce Roeland bilang Matos, Antonio Vinzon bilang Dagul, at Zephanie bilang Mayumi.

Mapupunta sa juvenile center ang mga bidang lalaki matapos mapagbintangan sa isang krimen na hindi naman nila ginawa.


Mapipilitan ang mga batang riles na ipagtanggol ang kanilang sarili habang hinahanap ang tunay na salarin.

Kasama rin sa serye ang mga batikang artista na sina Diana Zubiri, Desiree del Valle, Jay Manalo, at Ronnie Ricketts. Tampok din dito ang seasoned actress na si Ms. Eva Darren.

Abangan ang “Mga Batang Riles,” biyaheng GMA Prime very, very soon!

* * *

Pang-international scene talaga ang musical performances sa GMA musical variety show na “All-Out Sundays!”

Baka Bet Mo: Miguel Tanfelix sa Pinoy version ng Voltes V: ‘Gusto naming ipa-feel sa Gen Z ‘yung tuwa, lungkot, excitement, takot at lahat ng emosyon’

Patunay riyan ang nakuha nitong recent nomination. Ang “AOS” ang bukod-tanging Filipino nominee for “Best Variety Programme” sa ContentAsia Awards 2024.

Iaanunsyo ng ContentAsia Awards ang mga panalong premium video at TV content sa September 5, 2024, na gaganapin sa Taiwan.

Samantala, patuloy lang na subaybayan ang all-out performances, fun games, at iba pang pakulo sa “All-Out Sundays,” alas-dose ng tanghali sa GMA 7, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Read more...