Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat! Bandera

Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat!

Ervin Santiago |August 28,2022
share this

Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat!

Ervin Santiago - August 28, 2022 - 02:40 PM

Jodi Sta. Maria

KARANGALAN para sa entertainment industry at para sa buong Pilipinas.

Yan ang iniuwi ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria matapos dumalo sa ContentAsia Awards 2022 na ginanap sa Thailand nitong nagdaang Biyernes.

Proud na proud si Jodi bilang isang Filipino nang tanggapin ang Best TV Adaptation award para sa Kapamilya series na “The Broken Marriage Vow” sa katatapos lang na ContentAsia Awards 2022.

Personal na nagtungo sa Thailand ang aktres para sa annual event kasama ang producer ng programa na si Kylie Balagtas, at ang manager niyang si Biboy Arboleda.

“Masaya, as in super, kung manalo bonus. Kung ma-nominate ka panalo na talaga, pero kung manalo ka sobra-sobrang blessing na.

“We had a great time to and it’s so nice na ma-meet yung iba pang content providers all over Asia,” pahayag ni Jodi sa panayam ng ABS-CBN.


Pinasalamatan din niya ang Kapamilya Network, ang Team Viu at ang BBC na siyang nag-produce ng “Doctor Foster”, ang original version na in-adapt ng Pilipinas.

“Nakakatuwa kasi kung iisipin mo, panalo ito ng lahat, yung buong team…na pinangunahan ng aming direktor na si Connie Macatuno and Andoy Ranay.

“And of course, yung mga napakamagagaling na gumanap. Si Z (Zanjoe Marudo), si Sue (Ramirez), si Zaijan (Jaranilla) everyone na gumanap sa ‘Marriage Vow.’

“Yung production team na hindi matatawaran yung effort na ibinigay nila. It really takes a village to produce such an amazing series,” lahad pa ni Jodi.

Nominado rin ang aktres sa kategoryang Best Lead Actress para sa “The Broken Marriage Vow” kung saan nakalaban niya ang Thai actress na si Baifern Pimchanok na bumida sa “Tale of Ylang Ylang.” Si Baifern ang nag-uwi ng naturang award.

Samantala, naibalita rin ni Jodi na magkakaroon siya ng series of shows sa Amerika next month at tatapusin na rin niya ang shooting para sa entry nila ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 na may titulong “Labyu with an Accent.”

Bukod dito, pinaplantsa na rin ang susunod na teleserye niya sa ABS-CBN.

Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’

Jodi Sta. Maria: Hindi ito ang panahon para manahimik lang, kailangang manindigan na tayo

Jodi 10 years bago nahanap ang tunay na ama: But he was long gone na, he passed away 2001

Miss PH Samantha Bernardo: Isang karangalan mahal kong Pilipinas…I know I did my best

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending