Kris uuwi na ng Pilipinas sa September: ‘She’s coming home for good’

Kris uuwi na ng Pilipinas sa September: ‘She’s coming home for good’

PHOTO: Instagram/@krisaquino

ILANG buwan nalang pala ay uuwi na sa Pilipinas si Kris Aquino makalipas ang ilang taong pagpapagaling sa United States.

Ang good news na ‘yan ay ibinunyag mismo ng kanyang bunsong anak na si Bimby nang makapanayam ng The Philippine Star sa isang birthday event sa BGC bago bumalik ng US ang magkapatid.

“My mom is coming home for good in September. Latest is October,” sey ni Bimby.

Wika pa niya, “I’m very happy. She misses her family the most. She misses Tita Ballsy (Cruz) and her sisters.”

Nang tanungin naman siya kung magaling na ba ang kanyang ina.

Baka Bet Mo: Kris Aquino kasama nga ba ang dyowang doktor sa Amerika?

Ang sagot ng anak ni Kris, “Papunta na po.” 

Dagdag niya, “But it will take hard work, hard work talaga. Hard work, dedication, in order [for her] to be healthy po.”

Nabanggit din ni Bimby na kagaya sa ibang bansa, siya rin daw ang mag-aalaga sa kanyang ina pag-uwi dito sa Pilipinas.

Aniya pa, “The medicine is hard on her. Pero alam n’yo naman po, fighter si Mama. She’s strong.”

Kung matatandaan, mismong si Kris na rin ang nagsabi sa interview ni Ogie Diaz na babalik na siya sa ating bansa bago mag-Pasko.

“Hopefully, sa last quarter ng taon (2024) bago mag-Pasko, I’ll be back in the Philippines,” ang masayang balita ni Kris sa showbiz insider nang dalawin niya ito sa Orange County, California kung saan naninirahan ang Queen of All Media kasama ang bunsong anak at ilang staff na mapagkakatiwalaan.

Sey pa ni Kris, “And it really depends, kasi may mga pagdadaanan akong mga test (at) isa du’n ‘yung MRI (magnetic resonance imaging) with contrast dye.”

Dagdag pa niya, “May fear ako kasi the last time I had that done was way back 2019. Ang mga allergy nag-e-evolve and in-assure naman ako na kaya ko raw and na-survive ko ‘yun.”

Read more...