Mga ganap sa coronation night ng Miss World PH 2024

Knows niyo na ba ang mga ganap sa coronation night ng Miss World PH 2024?

Pauline del Rosario - July 19, 2024 - 01:58 PM

Knows niyo na ba ang mga ganap sa coronation night ng Miss World PH 2024?

PHOTO: Instagram/@missworldphils

MAKALIPAS ang isang taon na pagkakaudlot, tuloy na tuloy na ang grand coronation ng Miss World Philippines 2024 pageant!

Kung matatandaan, unang nakansela ang 2020 pageant dahil sa COVID-19 pandemic, habang hindi naman ito natuloy noong nakaraang taon dahil sa pabago-bagong schedule ng international competition.

Pero ano-ano ba ang mga dapat abangan sa coronation night?

Heto, isa-isahin natin ang mga ganap at ililista na namin para sa inyo mga ka-BANDERA!

33 contenders ang maglalaban-laban para sa korona at titulo na mangyayari mamayang gabi, July 19, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Baka Bet Mo: Gwendolyne Fourniol na-hurt nang matalo sa Miss World: ‘What went wrong?’

Para sa mga hindi makakadalo sa mismong venue, pwede niyo rin ito masaksihan online sa pamamagitan ng pay-per-view basis sa Cignal TV.

Ang magsisilbing host ng show ay si Billy Crawford, kasama si reigning Universal Woman Maria Gigante, pati na rin sina Reina Hispanoamericana runner-up Emmanuelle Vera at aktor na si Teejay Marquez.

Pagdating naman sa mga performers, asahan na nandyan ang singer na si Johnoy Danao, ang bandang The Juans at ang P-Pop groups na Kaia at Bilib.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MISS WORLD PHILIPPINES (@msworldphil)

Nabanggit din ng pageant national director na si Arnold Vegafria na magtatangahal din ang  Manila Philharmonic Orchestra bilang sabay na ipinagdiriwang sa show ang Philippine pop music.

Ilan lamang sa mga dadalo sa coronation event ay ang chairperson ng Miss World Organization na si Julia Morley, pati na rin ang reigning Miss World na si Krystyna Pyzkova from Czech Republic.

Matatandaang si Krystyna ay nandito na sa Pilipinas noon pang Martes, July 16, at dinaluhan na niya ang charity gala ng national competition.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MISS WORLD PHILIPPINES (@msworldphil)

Bukod sa kanila, siyempre, hindi mawawala si Gwendolyne Fourniol na siyang magpapasa ng korona sa tatanghaling winner at magiging kahalili niya.

Swerte rin ang mananalo this year, dahil siya ang unang reyna na makakapagsuot ng bagong korona na ang tawag ay “Ray of Hope” na gawa ng Oro China Jewelry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oro China Jewelry (@orochinajewelry)

Maliban sa Miss World Philippines title, kokoronahan din ang mga bagong Reina Hispanoamericana Filipinas at Miss Philippines Tourism.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending