John Estrada knows na may dyowa si Lorna Tolentino, si Lito Lapid ba?

John Estrada knows na may dyowa si Lorna Tolentino, si Lito Lapid ba?

John Estrada, Priscilla Meirelles, Lorna Tolentino at Lito Lapid

TILA may nalalaman ang kontrobersyal na aktor na si John Estrada sa lovelife ngayon ng premyadong aktres na si Lorna Tolentino.

Pilit kasing pinaaamin ng Kapamilya actor si LT tungkol sa lalaking sinasabing bagong karelasyon nito. Ang hula ng marami, baka raw si Sen. Lito Lapid ang mystery guy.

Sa pakikipagchikahan ni John kay Lorna sa YouTube vlog nito na may pamagat na “John en Lorna, The Lorna Tolentino Interview”, natanong ng aktor ang current status ng puso ng veteran actress.

Baka Bet Mo: Lorna Tolentino umamin: ‘Hindi ako perfect…may nagtatago ring monster sa loob ko’

Ito’y sa gitna ng kinasasangkutang isyu ni John sa estado ng married life nila ng asawang si Priscilla Meirelles na umalis muna ng Pilipinas at umuwi muna sa  Brazil kung saan naka-base ang kanyang pamilya.


Kinumusta muna ng aktor si LT, “Well, I’m happy, very happy.”

“Parang sinasabi niya sa atin na happy siya ngayon. Sino ba iyan?” sundot na tanong ni John.

Tugon ng aktres, “Yun ang hindi ko puwedeng sagutin. Gusto ko lang maging pribado sana yung buhay ko.”

“So, sinasabi mo na you’re happy now. Hindi mo lang puwedeng sabihin?” tanong uli ng aktor na sinagot ni LT ng, “No. I’m happy being free.”

Hirit uli ng aktor, “I-simplify natin, may boyfriend ka ba ngayon?” “Wala,” sagot ni Lorna.

Tila hindi naniniwala si John sa sagot ni LT, “Baka magalit sa iyo yan. Baka sabihin, ‘Bakit idinenay mo ako?’ Hindi ko kilala pa kung sino ito, pero parang nagsisinungaling siya. Nakikita ko namumula yung ilong, e.”

Baka Bet Mo: Charo, Lorna ipinagtanggol si Coco sa reklamo raw ng mga vendor sa Quiapo: ‘Iginalang ng produksyon ang lugar, welcome na welcome kami roon’

Inulit ni John ang question, “So, you’re saying may boyfriend ka pero hindi mo…” hindi niya itinuloy ang sasabihin sa halip ay nagsalita siya ng Kapampangan, “Wa? Wa? May boyfriend ka? Wa? Ali?”

“Ali,” ang tugon naman ni Lorna, na ang ibig sabihin ay hindi totoong meron siyang dyowa.

Pero panunukso pa rin ni John tungkol sa mystery guy ni Lorna, “Ah, magalit ka nga dito. I-text mo na. I-text mo na!”

Ang feeling ng mga netizens, si Sen. Lapid nga ang tinutukoy ni John dahil mga ang senador lang naman ang nali-link sa aktres base na rin sa naging pahayag noon ng manager ni LT na si Manay Lolit Solis.


Pagpapatuloy ni John, “Pero ako kung anuman iyan, gusto ko lang sabihin suportahan taka. I am just here for you, for your happiness.

“You deserve it. You deserve to be happy. I mean, everybody deserves to be happy, saka single ka. Ngayong double ka na,” aniya pa.

Reaksyon naman ni Lorna, “Hindi naman. Wala akong sinabing ganoon. Basta I’m very happy. It’s so nice that your life is so private kasi mas mabuti iyon.

“Marami pa rin tao na kapag successful ka, gusto nila bumagsak ka. Hindi mo maiiwasan na there’s goodness and there’s darkness sa mundo natin.

“Yun ang pinakaunang-una, envy. Yung akala mo, happy sila for you. Yun pala hindi. Gusto nilang makita na bagsak ka. Naiinggit sila. Marami iyan. Hindi naman lahat biniyayaan ng Panginoon na maiintindihan ka o maa-accept ka agad,” lahad ng aktres.

Pahabol pa ni John, “At kung sinuman iyan, sana po alagaan ninyo ang kaibigan ko.”

Sa isang bahagi ng vlog, natanong din ni John si Lorna ng, “Gusto kong matutunan galing sa isang napakatalino, napakabait at napakamaka-Diyos na tao, ang pag-ibig ba, kayang ipaglaban kahit mali? Puwede bang ipaglaban?”

Tugon ni Lorna, “Kapag may mali, ipagdasal mo na sana tumama.” Na sinundot ng aktor ng, “So, ang pagmamahal kahit mali, ipagdasal mo para kung anuman magiging tama siya? Ang ganda nu’n, ha? Kulang siguro ako sa dasal.”

Read more...