Anjanette hirap na hirap sa Darna, lumaban sa tunay na python, 2 cobra

Anjanette hirap na hirap sa Darna, lumaban sa tunay na python, 2 cobra

Anjanette Abayari

HINDING-HINDI makakalimutan ng aktres at dating beauty queen na si Anjanette Abayari ang mga nakakalokang karanasan niya sa pagganap na “Darna“.

Isa si Anjanette sa iilang aktres na maswerteng napili na gumanap sa iconic Pinay superhero sa movie version nito noong 1994 na may titulong “Mars Ravelo’s Darna: Ang Pagbabalik”.

Nakasama niya rito ang veteran singer-actress at Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, na gumanap bilang si Valentina.

Baka Bet Mo: Bea feeling na-scam nang biglang iwan ni Gerald; hinding-hindi na magpapaloko sa lalaki

Sa guesting ni Anjanette sa Monday episode ng “Fast Talk With Boy Abunda”, binalikan niya ang ilang unforgettable scenes na ginawa niya playing the Pinay iconic character.


“That was mahirap na mahirap,” ang pahayag ni Anjanette nang ilarawan ang mga flying scenes niya sa “Darna.”

Kinailangan din daw niyang magsuot ng  metal steel harness kapag kailangan niyang lumipad sa eksena na nagiging sanhi ng pagkakaroon niya ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“I had to hold my pose and smile,” natatawang chika pa ni Anjanette.

Naikuwento rin niya ang engkuwentro niya sa mga tunay na ahas sa shooting, “‘Yung 18 feet python which I wrestled on my own. It’s a real python!

Baka Bet Mo: JM binalikan ang karanasan noon: I don’t want to be that person anymore

“I will never forget that. Not many can say that they wrestled an 18 feet python and lived,” pag-alala pa ng aktres.

At hindi lang python, kinailangan din ni Anjanette na makipaglaban sa dalawang cobra. Talagang dasal daw siya nang dasal habang kinukunan ang mga fighting scenes niya kasama ang mga alas.

“One of the cobras decided to turn on me, and started hissing at me. Tapos biglang it started slithering on my dress,” sabi pa ni Anjanette.

Bago sumabak sa mundo ng showbiz, unang nakilala si Anjanette nang mag-join siya sa Binibining Pilipinas pageant taong 1991 at nagwaging Binibining Pilipinas Universe.

Pero kinailangan niyang mag-resign dahil sa kanyang non-Filipino citizenship at isyu sa kanyang residency sa Pilipinas.

Read more...