Julia Montes iniligtas ni Deo Endrinal, natakot sa ‘Saving Grace’

Julia Montes iniligtas ni Deo Endrinal, natakot sa 'Saving Grace'

Julia Montes

PALAGING nakakaramdam ng takot at pag-aalinlangan si Julia Montes kapag may mga bagong proyekto na inaalok at ipinagkakatiwala sa kanya.

Tulad na lang ng pagbabalik niya sa primetime TV sa pamamagitan ng latest offering ng Dreamscape Entertainment, ang “Saving Grace.”

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “Saving Grace” ang magiging Philippine adaptation ng hit Japanese series na “Mother,” under Nippon TV.

Baka Bet Mo: Megan, Mikael mas naging wais sa pera dahil sa pandemya; nagbenta ng kotse pangdagdag sa ipon

Sa inalabas na teaser video ng Dreamscape sa kanilang mga social media account, ibinandera nga ang magiging role ni Julia sa naturang serye.


“Special talaga sa akin ‘yung project kasi ‘yun ang huling usap namin ni Sir Deo (Endrinal, yumaong head ng Dreamscape). ‘Yung plan for ‘Saving Grace’ is really big, ang ganda ng story, ang ganda ng lesson and story na gustong sabihin ng serye,” pahayag ni Julia sa ulat ng ABS-CBN.

Huling napanood sa TV ang rumored partner ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at nakagawa rin siya ng pelikula last year, ang “Five Breakups And A Wedding” kung saan nanalo pa siyang Best Actress sa 7th The EDDYS.

“Special siya sa ‘kin kasi…sinave ako ni Sir Deo. In many ways, personal, career and I felt na ever since isa si Sir Deo na naniwala na kaya ko,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Angel nagparamdam sa burol ni Deo Endrinal, tanong ng netizens: Saan ka?

“Siya ang laging nagpapaalala na kaya ko. So ngayon, siyempre, iba na,” sabi pa ni Julia.

Nang ialok daw sa kanya ang “Saving Grace,” talagang inatake siya ng matinding takot at nerbiyos pero sa ganitong pagkakataon ay bigla niyang naaalala si Deo Endrinal at ang kanilang mga pag-uusap.

“Natakot ako. Kasi lahat naman po ng binibigay sa ‘kin, napapaisip ako, kaya ko ba? ‘Yun ang lagi kong question.


“Pero nu’ng nakausap ko nga si Sir Deo, sabi niya, ‘Gawin mo ito, it’s for you.’ Nakampante na ‘ko kasi siya ‘yung… nandiyan naman siya lagi,” dagdag ng aktres.

Nauna rito, ibinahagi ni Julia sa kanyang Facebook page ang good news kasabay ng pagpapasalamat sa ABS-CBN at sa kanyang Dreamscape family. Inialay din niya ang “Saving Grace” sa yumaong head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

“I am beyond excited for this project. Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta! Thank you always trusting me my Dreamscape Entertainment family. Sir Deo, this is for you,” mensahe ni Julia.

Ilang version na ng “Mother” ang ipinalabas sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Mongalia at Saudi Arabia.

Sa panayam ng press kay Julia sa nakaraang 7th The EDDYS, una niyang nabanggit ang tungkol sa “big project” na gagawin niya under Dreamscape.

Read more...