Bea feeling na-scam nang biglang iwan ni Gerald; hinding-hindi na magpapaloko sa lalaki | Bandera

Bea feeling na-scam nang biglang iwan ni Gerald; hinding-hindi na magpapaloko sa lalaki

Ervin Santiago |April 11,2021
facebook
share this

Bea feeling na-scam nang biglang iwan ni Gerald; hinding-hindi na magpapaloko sa lalaki

Ervin Santiago - April 11, 2021 - 09:59 AM

HINDING-HINDI na raw papayag si Bea Alonzo na maloko ng isang lalaki tulad ng ginawa sa kanya noon ni Gerald Anderson.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang mga bagong pasabog ni Bea laban sa kanyang ex-boyfriend — partikular na riyan ang panggo-ghosting ng binata sa kanya.

In fairness, maraming naka-relate sa mga naging pahayag ng dalaga sa panayam sa kanya ni G3 San Diego kasabay ng pagkondena may Gerald at sa mga ginawa nitong sablay sa kanya.

Ngunit marami rin naman ang kumontra sa pagsasalita uli ng aktres para ibandera sa buong mundo ang mga kasalanan sa kanya ni Gerald dahil pinatunan lang daw niya na hanggang ngayon ay bitter pa rin siya sa mga nangyari.

Para naman sa ilang supporters ng aktres, karapatan niya ang ipagsigawan sa buong mundo kung anong klaseng karelasyon ang aktor. Humanga pa nga sila sa tapang at pagpapakatotoo ng dalaga.

Tulad ng lang ng sinabi ni Bea na talaga raw gusto niyang sampalin si Gerald noong makita niya ito sa ABS-CBN Ball ilang araw makalipas mabalita ang kanilang break-up.

“Nakita ko ‘yung likod niya nu’ng ball pero na-traffic kami, hindi ko na s’ya nakita and medyo nakainom pa naman ako noon. I would’ve slapped him. I would have,” pahayag ng award-winning drama actress.

Aniya pa, gustung-gusto raw talaga niyang lapitan at kausapin ang ex-dyowa nu’ng oras na yun, “Apart from, of course, the whole infidelity thing and the whole ghosting thing, I think I’m mad at him more because he gaslighted me.”

Diin pa ni Bea, “Until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit.

“He was only protecting himself. He’s selfish. I can’t even find the words to describe that man,” dagdag pa niyang banat kay Gerald.

Sabi pa niya, “It was the first time that I really let myself go and just love fully. Maybe because it’s our second chance and I didn’t want it to fail.”

“To be honest, when he ghosted me, para akong na-scam. As in like, when I posted what I posted (ang caption niyang ‘enough’ sa Instagram), it felt like a weight off my shoulder. Parang I felt I was able to get my power back. Parang naisip ko, in my head, ‘Let me show you who I really am,’” ang dire-diretso pang chika ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pag-amin pa niya, “Siguro ‘yung baon ko talaga is not to let myself be cheated on that way ever again, by anybody. I will never subject myself anymore to that type of relationship.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending