KILALANIN si Francis Dela Torre, isang 24-anyos na kutsero mula Tondo, Manila. Pangunahing gamit niya ang tradisyonal na kalesa – isang karwaheng hila ng kabayo.
Sa murang edad na 13, nagsimula siyang magtrabaho sa mga kuwadra, inspirasyon mula sa kanyang ama na isa ring kutsero.
Baka Bet Mo: Jennica Garcia namroblema sa birthday wish ng anak, naghahanap ng kabayo?
Nagsimula ang trabaho ni Francis sa pag-aalaga ng mga kabayo – sinusuri ang kanilang mga balahibo at paa, pinapaliguan, at pinapakain sila.
Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya, huminto siya sa pag-aaral para magtrabaho. Marami nang nasubukang trabaho si Francis, pero palagi siyang bumabalik sa mga kabayong mahal niya.
Nirerentahan lang ni Francis ang kabayo para sa kanyang kalesa. “Depende po ang renta sa kita namin,” paliwanag ni Francis. “Kapag maganda-ganda po ang kita namin minsan P1,000 o P800. Kapag wala po nasa P300.”
Araw-araw, sinisiguro niyang malinis at maayos ang kanyang kalesa, kasabay ng pagpapakain at pag-aalaga sa kanyang kabayo.
Ang host ng public service program na “Dear SV” na si Sam “SV” Verzosa, ay sumama kay Francis sa isang araw ng pagkakalesa. Natutuhan ni SV ang mga hamong kinakaharap ni Francis, tulad ng panganib sa mataong kalsada ng Manila, ang hindi tiyak na dami ng pasahero, mga problemang pinansyal, at pag-aalaga sa kanyang kapatid na sumasailalim sa dialysis.
Naglibot sina SV at Francis sa mga kalye ng Manila, binisita ang mga lugar tulad ng Luneta Park at Intramuros.
Baka Bet Mo: Hashtag Wilbert parang kabayo kapag nagmahal ng babae; naka-relate kay Boy Bastos
Naantig sa kwento ni Francis, binigyan ni SV ang pamilya Dela Torre ng sari-sari store package para muling makapagsimula ng kanilang tindahan sa bahay, isang grocery package, at pangakong sasagutin ang gastusin sa dialysis treatment ng kapatid ni Francis.
Ang dedikasyon ni Francis Dela Torre sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho bilang kutsero ay nagpapakita ng tibay at puso ng Pilipino habang pinapangalagaan ang makasaysayang kahalagahan ng kalesa sa ating kultura at tradisyon.
Related Links:
@samverzosaofficial Nag message si nanay sakin para tulungan ang kanyang anak na nagda dialysis… tinugon ng Dear SV ang message nyo Nay… Sana ay napasaya namin kayo at nabigyan ng konting ginhawa ang inyong pamilya.. #DearSV #SV #BatangSampaloc