Babaeng kasama ni John sa Bora ibinuking ni Priscilla

Babaeng kasama ni John sa Bora ibinuking ni Priscilla: Ganu’n talaga!

Ervin Santiago - July 16, 2024 - 12:10 AM

Babaeng kasama ni John sa Bora ibinuking ni Priscilla: Ganu'n talaga!

John Estrada at Priscilla Meirelles

MAY problema na naman ba sa kanilang pagsasama ang mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles?

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pambabasag at pambubuking ni Priscilla sa kanyang mister tungkol sa paglalamiyerda nito sa Boracay.

Ibinuking kasi ng aktres at dating beauty queen kung sino ang babaeng kasama ni John sa Bora matapos ma-curious ang ilang netizens sa ilang social media post ni aktor.

Baka Bet Mo: ‘Your one and only wife’ message ni Priscilla kay John inokray, basher hinamon: ‘In case may iba na hindi ko alam, please pa-DM sa akin’

Sa Instagram account ni John, makikita ang kanyang mga litrato habang  nagbabakasyon sa isang resort sa Boracay. Mag-isa lamang sa mga photo ang Kapamilya star maliban sa taong kumukuha sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Estrada (@johnestrada__)


“What an awesome place. HENANN GARDEN BORACAY,” ang mababasa sa caption ng aktor.

Sa comments section, may netizen ang nagtanong kung sino ang kasama niya sa Boracay – si Lena o si Maritess na ang tinutukoy ay ang dalawang babae sa buhay ng karakter niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” na si Rigor.

Sa kuwento ng serye, ibinahay na ni Rigor ang kabit niyang si Lena na ginagampanan ni Mercedes Cabral, kasama ang legal wife niyang si Maritess played by Cherry Pie Picache.

Hindi sinagot ni John ang nagtanong pero ang ikina-shock ng netizens ay ang komento at sagot ni Priscilla na, “Si @Lily Hallman_ (emoji).” Dugtong pa niya, “Looking very divorced Mr. Estrada @Lily Hallman_.”

Baka Bet Mo: John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!

Kasunod nito, nag-live din si Priscilla sa kanyang socmed account at isang netizen ang nagtanongsa kanya ng, “Idol May new nnmn ba si John grabeee nmn Npk ganda mo na pra maghanap p ng iba.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Priscilla Meirelles (@primeirelles)


Ang sagot ng misis ni John ay, “Hay naku po, gano’n talaga ang buhay, eh wala naman eh… gano’n talaga.”

Kahapon, nag-post si Priscilla sa Instagram ng litrato nila ng anak nila ni John habang nasa loob ng eroplano at pinaniniwalaan ng marami na  papuntang Brazil.

Aniya sa caption, “What’s next?! (Brazil flag at airplane na emoji).” May mga hashtag itong #familyvacay at #vacay2024.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa post ni Priscilla.

“Tindi din ni john estrada very rigour in real life tlga hahahaha tpos ginalingan din ni lily hallman walang picture in public professional na kabet.”

“Pero once a cheater always a cheater hindi na magbabago yang si John Estrada. Kasi magaganda naman mga naging asawa niyan pero lagi niyang niloloko.”

“True to life pala yong character ni John Estrada bilang Rigor na babaero. Sorry Lena at Marites di kayo ang nagwagi.”

Kung matatandaan, ibinandera rin ni Priscilla noong 2023 na may babaeng na-involved kay John na isang social media influencer pero dinenay ng babae na may relasyon sila ng aktor.

Kasunod nito, ibinalita rin ni Priscilla na nagkaayos din silang mag-asawa pero may pagbabanta ang aktres kapag inulit pa ni John ang nagawang kasalanan.

Sey niya sa isang panayam, “Ang situation right now of course we’re married pa rin and we’re laughing yesterday and we’re having a great time. But I’m not gonna take anything that I already took up to this point.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So alam niya nasa limit na ko. So whatever happens from this point on it’s on him. I’ve done my part,” sey pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending