Enchong game sa BL project; type makatrabaho sina Alden at Piolo

Enchong game sa BL project; type makatrabaho sina Alden at Piolo

Enchong Dee, Piolo Pascual at Alden Richards

GAME na game si Enchong Dee na sumabak sa mga BL (Boys’ Love) projects dahil gusto pa raw niyang mag-explore sa kanyang acting career.

Nakagawa na rin naman ng gay role noon ang Kapamilya actor at TV host, yan ay sa comedy film na “Here Comes The Groom” kung saan talagang pinuri siya ng madlang pipol.

Baka Bet Mo: Fans inireklamo ang relasyon ng beking manager sa BL actor; nagkainlaban o ilusyon lang?

Sa Star Magic Spotlight presscon kamakailan ay natanong ang itinanghal na Best Supporting Actor sa 7th The EDDYS awards (para sa GomBurZa), kung open din ba siya sa mga seryosong gay roles na posibleng magbigay naman sa kanya ng best actor trophy.


Kuwento ng aktor, bago pa man nauso ang mga BL series sa Pilipinas, may naisip na raw siyang tema at konsepto noon para gawing pelikula.

Nai-pitch pa nga raw niya ito sa isang kaibigang executive ngunit hindi nag-materialize. Sey ni Enchong, baka raw hindi pa iyon ang tamang panahon para gumawa siya ng BL project.

Kung may darating daw na offer sa kanya na gumawa ng pelikula na may temang LGBTQIA+, willing siyang tanggapin kung talagang maganda at makaka-inspire sa mga manonood.

Baka Bet Mo: Beking talent manager hirap na hirap kalimutan ang nakarelasyong BL actor

At kung papipiliin sa mga sikat at magagaling na aktor sa bansa para makasama sa proyekto, nabanggit niya sina Jericho Rosales, Dingdong Dantes, Piolo Pascual at Alden Richards.

Samantala, todo pasalamat pa rin si Enchong sa pagkapanalo bilang Best Supporting Actor sa 7th The EDDYS Awards Night para sa pelikulang “GomBurZa.”

Sabi ni Enchong, “Being part of Gomburza is already such a win, simply because andaming magagandang bagay na sunod-sunod na nangyari after GomBurZa…from Cedrick (Juan), to Tito Dante (Rivero), to Piolo (Pascual), to myself, panalung-panalo na siya.”


Para kay Enchong, malaking karangalan sa kanya ang manalo ng best supporting actor, “To be recognized by, specifically by the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang laking bagay kasi ito yung mga taong kaakibat mo, everytime na nag-po-promote ako.

“So, it matters to me kasi these are the people na kasama namin when it comes to spreading the words with our new projects.

“Yung panalo kahapon, hindi ibig-sabihin panalo ngayon, so I just have to keep working. And I’m very grateful to the members of the SPEEd because it’s an added inspiration for me to do better in the next projects,” saad ni Enchong.

Read more...