SIGURADONG maraming ex-couple ang makaka-relate sa reunion movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia, ang “Un/happy For You”.
Aminado ang dating celebrity couple na marami silang hinugot sa kanilang past relationship para maibigay ang tamang akting sa lahat ng eksenang ginawa nila sa pelikula.
Sa naganap na presscon para sa “Un/happy For You” kamakailan, nabanggit nina Julia at Joshua na naging masaya ang kanilang shooting at walang naging problema sa buong production.
Baka Bet Mo: Gerald walang selos sa balikang JoshLia: Marami silang mapapasayang fans
Ayon pa sa mag-ex, isa sa mga matututunan at magiging takeaway ng mga manonood sa kanilang pelikula ay tungkol sa usaping “healing.”
“Feeling ko isa sa mga matututunan nila ay ‘yung healing, ‘yung pag-accept,” sabi ni Joshua.
Sey naman ni Julia, may kanya-kanyang journey ang bawat karakter sa movie na pwedeng maka-relate ang viewers.
“May sariling personal journey si Juancho, may sariling personal journey si Zy, and even all of our characters here in our movie we all have our personal journeys na nakikita namin sa isa’t isa para kaming reflection ng isa’t isa,” ani Julia.
“We all have our different pains and personal joys pero it’s about healing, letting go, it’s accepting, it’s setting free, it’s gonna be a roller coaster ride in this film. Excited kami na guluhin ang buhay niyo for two hours,” dugtong pa ng girlfriend ni Gerald Anderson.
Baka Bet Mo: Sharon, Gabby super proud sa bagong ‘paandar’ ni KC
Sure na sure rin si Joshua na may mapupulot din ang mga manonood sa pelikula nila on how to handle relationships sa pamamagitan ng mga karakter nilang sina Juancho at Zy.
“If you watch the movie and nakita niyo kung paano ni-handle ni Juancho and Zy, malalaman mo kung paano siya i-handle bilang ikaw ‘yung nanonood sa POV mo,” sabi ng aktor.
Makakasama rin sa “Un/happy For You” sina Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, John Lapus, Kaila Estrada, Aljon Mendoza, Bong Gonzales, Ana Abad Santos at Meann Espinosa.
Ito’y mula sa direksyon ni Petersen Vargas at isinulat nina Kookai Labayen, Crystal San Miguel at Jen Chuaunsu. Showing na ang “Un/happy For You” sa mga sinehan simula sa August 14.
Ilan sa mga nagawang pelikula ng JoshLia ay ang “Vince and Kath and James” (2016), “Love You to the Stars and Back” (2017), “I Love You, Hater” (2018) at “Block Z” (2020).
Nagsama rin sila sa Kapamilya series na “Ngayon at Kailanman” na ipinalabas noong 2018 at bumida rin sila sa music video ng “Paubaya” ni Moira dela Torre noong 2021.