Zeinab ayaw ng bonggang kasal, mas gagastusan dream house nila ni Ray

Zeinab ayaw ng bonggang kasal, mas gagastusan dream house nila ni Ray

Ray Parks, Jr. at Zeinab Harake

HINDI naniniwala sa kasal ang content creator at aktres na si Zeinab Harake pero biglang nagbago ang kanyang pananaw nang dumating sa buhay niya si Ray Parks, Jr..

Next year na ang wedding nina Zeinab at Ray at ngayon pa lang ay pinag-uusapan na raw nila ang tungkol dito. Ang gusto ng sexy vlogger ay simple and intimate lang ang magaganap na kasal.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

“Actually ako ang dream wedding ko is kung gaano naging kabongga ang proposal, ayaw ko naman na ganu’n kabongga (ang kasal), gusto ko ano lang ‘yung mararamdaman natin ‘yung pagiging intimate, yung love mas mangingibabaw kaysa ‘yung dami ng tao.


“So mamimili talaga ako kung sino lang talaga ‘yung nasa buhay ko, ‘yun lang siguro ‘yung invited. Gusto ko simple lang,” aniya sa isang panayam.

Dagdag ni Zeinab, sa halip na gumastos nang bonggang-bongga sa wedding, mas gusto niyang i-save ang pera para sa pagpapatayo ng dream house nila ng kanyang fiancé.

“Gagandahan naman (wedding), siyempre gusto ko maganda pero ayaw ko lang ng sobrang engrande.

“Isa pang pinag-uusapan namin ni daddy Ray kasi nakabili kami ng lot tapos gusto namin, plan sana namin na sana by two years, kaya siya magwa-one year pa ulit sa Japan, dahil du’n talaga para makapag-provide kami sa pagpapagawa ng bahay.

“Kaya kaysa i-spend mo ‘yung malaking pera sa kasal parang mas maganda mag-spend for the future with the kids, ‘yun talaga. Dream house, actually excited ako para dito, dalawa kami, kaya work hard kami parehas,” pahayag pa ni Zeinab.

Tungkol naman sa date ng kasalan, “Hindi naman kaya within the year kasi ang dami pa natin kailangag focusan, pero next year talaga, sure ‘yung next year na ang kasalan.”


Ibinandera ni Zeinab ang tungkol sa engagement nila Ray sa isang vlog  na nangyari sa isang mansion with matching engrandeng set-up.

Mensahe ni Ray kay Zeinab, “I am truly blessed to call you my best friend, my lover, and my biggest supporter. I want to continue to build a Christ-centered relationship in which I will lead and serve with the best of my abilities.”

Baka Bet Mo: Zeinab na-stress kay Bobby Ray sa ‘Can’t Say No’ challenge, hirit ng basketbolista: Hayaan mo na ako, ito ang kasiyahan ko

“Your genuine, loving, compassionate heart is the crown of your beauty. You and the kids are my home, and I can’t imagine life without y’all. Zeinab Harake, would you make me the happiest man in the world? Will you marry me?” dagdag pa ng cager.

Sa nasabi ring vlog sinabi ni Zeinab na, “Hindi ako naniniwala sa kasal na tao dahil na rin sa mga pinagdaanan ko.

“Pero nu’ng dumating si Ray sa buhay ko, doon ko na-ano ‘yung sarili ko na magse-settle ako sa taong ‘to kasi nakikita ko sa kanya ang future na alam niyang maiintindihan niya ako kahit sa pinakamahirap na sitwasyon pa ng buhay namin,” aniya pa.

Read more...