Alyssa wish maka-collab ang BINI; babu na sa mga beauty pageant

Alyssa pangarap maka-collab ang BINI; babu na sa mga beauty pageant

Alyssa Muhlach at BINI

WISH ng Kapamilya actress at beauty queen na si Alyssa Muhlach na maka-collaborate ang sikat na sikat na ngayong all-female group na BINI.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Alyssa kamakailan sa naganap na Star Magic Spotlight presscon kung saan ibinahagi niya ang mga bagong kaganapan sa kanyang career.

Nagsimula ang dalaga sa pageantry kung saan naging representative siya ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana noong 2018 sa Santa Cruz, Bolivia kung saan naiuwi niya ang korona.

Baka Bet Mo: Alyssa Valdez nakatagpo ng mga tunay na kaibigan sa ‘PBB’ house; may ‘hamon’ kay Big Brother bago sumabak sa SEA Games

Nang purihin si Alyssa para sa kanyang kahusayan at kumpiyansa sa pagsagot ng mga tanong, inamin niya na kinakabahan pa rin siya sa mga interview.


Gayunpaman, nagbahagi siya ng tip para sa mga beauty queens, “The moment tinawag na yung number ko or my name, I will only look at the host or the judge, whoever is asking. You have to focus, this is your ride or die moment.”

Kasunod ng kanyang journey bilang beauty queen, pinasok din ni Alyssa ang pag-arte kung saan gumanap siya sa iba’t ibang roles, tulad ni Emilia sa ‘
“Clarita” (2019), Marcy Villareal sa “Hellcome Home” (2019), at ang pagganap niya teleseryeng “Pamilya Ko” (2020).

Isa sa mga notable niyang projects to date and role niya bilang Jillian “Jill” de Guzman sa hit series ng ABS-CBN na “2 Good To Be True”, kung saan nakasama niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Alyssa Muhlach isinakripisyo ang muling pagsali sa beauty pageant: Next time na ang korona, KathNiel muna!

Ibinahagi din ni Alyssa ang kanyang interes sa pagpasok ng mundo ng teatro, partikular na sa musical theater, “I really wanna be a part of a musical. I was thinking of auditioning for ‘One More Chance.'” Pero nakaligtaan niya ang pagkakataon para mag-audition dito.

“I really want to, in the future. I have to be more attentive, I guess, to the audition dates,” sey ni Alyssa.


Nang tanungin kung paano siya pumipili ng gusto niyang i-pursue, pinili niya ang pagkanta, “The job opportunities that were given to me, it really was acting.

“But if you were to ask me, based on what I love, I really love singing the most. If you were to tell me that I were to perform in the next hour, kayang-kaya ko po siya ng walang pag-nenerbyos,” sabi ng anak nina Almira Muhlach at Paul Alvarez.

At sa tanong kung balak pa niyang sumali uli sa mga beauty pageant, “As of today, I can say na nagpaalam na ako sa pageantry. I think I’ve reached a point in my career where I really wanna focus on singing.”

Samantala, inilabas na rin ang kanyang unang single na “Paalam” sa ilalim ng Tarsier Records noong June 28, 2024. Ito ay nagpapatunay ng kanyang pagiging versatile at pagiging dedicated sa pagpapatibay ng kaniyang presensya sa industriya ng entertainment.

Pahiwatig din ni Alyssa, may mga dapat pang abangan sa kanya sa larangan ng musika bukod sa kanyang debut single na “Paalam”, “I would love to release more songs this year or maybe early next year, and for now yun lang, Paalam first.

“I really want everybody to have the chance to listen to Paalam because I really love the message also, that it really empowers women, to value their independence and self-worth,” sabi ng singer-actress.

Nang tanungin tungkol sa kanyang pinapangarap na kolaborasyon, binanggit nga ni Alyssa ang Nation’s Girl Group na BINI, “Right now talaga ang dream kong maka-collaborate is BINI.

“The success of BINI kasi awakened and renewed the love of Filipinos for OPM and P-Pop music. I’m sure everyone in the music industry will agree that na parang this is a renewing of love nga for OPM.

“So, I really wanna work with them. And they’re also all girls, parang ano siya, it’s aligned with the women empowerment message that I want to share to the world,” aniya.

Read more...