Ex-member ng Streetboys na si Spencer Reyes naluha nang muling makasama ang dating ka-loveteam na si Ice Seguerra | Bandera

Ex-member ng Streetboys na si Spencer Reyes naluha nang muling makasama ang dating ka-loveteam na si Ice Seguerra

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 02:33 PM

Ex-member ng Streetboys na si Spencer Reyes naluha nang muling makasama ang dating ka-loveteam na si Ice Seguerra

Spencer Reyes at Ice Seguerra

NAKAKATUWA at nakaka-touch ang muling pagkikita kamakailan ng dating magka-loveteam na sina Ice Seguerra at Spencer Reyes.

Makalipas nga ang halos pitong taong pamamalagi sa ibang bansa ay nagbabalik nga sa Pilipinas ang aktor at dating member ng all-male dance group na Streetboys.

Tuwang-tuwa si Spencer sa pag-uwi niya sa bansa mula sa United Kingdom kung saan na siya naka-base kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Sa YouTube video na inilabas ng GMA Public Affairs na bahagi ng kanilang “Pinoy Christmas In Our Hearts” special last Friday, December 16, mapapood ang homecoming ni Spencer.

Dito ipinakita ang kanyang buhay sa Scotland bilang isang bus driver pati na ang mga eksena nang dumating siya sa Ninoy Aquino International Airport at ang bonggang reunion nila ng kanyang pamilya.

Mapapanood din sa nasabing video ang pamamasyal niya sa Mall of Asia kung saan muli niyang nakasama ang dati niyang ka-loveteam noong dekada 90s na si Ice Seguerra.

Nu’ng una ay nagtataka si Spencer kung bakit may choir sa theme park ng mall, “Parang bumalik sa akin yung ‘90s na ito, yung taping, camera, lights.

“Ang ano ko nu’n sa Eat Bulaga, si Aiza. Loveteam kami nu’n, lagi akong sinisiko nu’n,” natatawang pahayag ng dating aktor at dancer.

Na-shock na lang si Spencer nang biglan bumulaga sa harapan niya si Ice na nakatago pala sa likod ng mga choir members.

Dito na naging emosyonal si Spencer at hindi na napigilan ang maluha, “Nakita ko yung family ko, nakita kita, parang bumalik lahat nung nangyari noong ’90s kasi ginive-up ko lahat.”

Isa sa pelikulang ginawa noon nina Spencer at Ice ay ang “Computer Kombat” na ipinalabas noong 1997.

Ayon kay Spencer, maligayang-maligaya siya ngayon sa Scotland kasama ang kanyang asawa at dalawang anak habang solid na solid pa rin ang relasyon nina Ice at Liza Diño bilang married couple.

Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam

McCoy, Elisse wala pang balak magpakasal, uunahin muna ang pag-aalaga kay Baby Felize

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending