Coco Martin, Piolo Pascual magsasama sa iisang proyekto, fans excited na

Coco Martin, Piolo Pascual magsasama sa iisang proyekto, fans excited na

PHOTO: Instagram/@dreamscapeph

MAGIGING guest kaya si Piolo Pascual sa “FPJ’s Batang Quiapo?” O si Coco Martin ang magkakaroon ng cameo role sa “Pamilya Sagrado?”

Nag-post kasi ang Dreamscape Entertainment sa Instagram account ng larawang magkasama ang dalawa na ang caption ay, “The Ultimate Leading Man and The Primetime King in one frame! Abangan!”

May ibig sabihin ang post ng entertainment company na “abangan” na iisa lang ang ibig sabihin, may collaboration ang dalawa.

Ilang programang katapat na ang pinataob ng “FPJ’s Batang Quiapo” at balita namin ay malapit nang mag-babu ang “Black Rider” ng GMA 7, ano o sino kaya ang bagong itatapat kay Coco?

Baka Bet Mo: Relasyong Julia-Coco mas naging solid; maraming pasabog para sa fans

Sa “Batang Quiapo” pa lang ay wala nang makalusot in terms of ratings game, paaano na kung papasok si Piolo?

O baka naman si Coco ang papasok sa “Pamilya Sagrado,” e, ‘di lalong nag-aapoy na ang magkasunod na teleserye ng Kapamilya channel?

Binasa namin ang mga komento ng netizens sa post na ito ng Dreamscape Entertainment at excited sila sa mangyayaring collaboration nina Piolo bilang si Governor Rafael Sagrado at si Coco as Tanggol.

Sabi nga ng netizen, “Crossover episode(s) parang grey’s anatomy and station 19.”

Buhay pa pala ang fans nina Piolo at Judy Ann Santos, “Naku, sana naman may kasamang Juday naman diyan! ABS-CBN and Dreamscape pakiusap naman reunion project naman ni Piolo at Juday, please! That is something really worth doing and waiting for!”

May nagsabi naman na sana magsama sa isang MMFF project sina PJ at Coco, “Pag itong dalawa na ito nagsama sa isang movie isama mo pa sila Pepe Herrera, Empoy Marquez full house ang movie theater…. tapos isasabak sa MMFF…. then isasama sila Judy Ann, Ivana Alawi, Donna Cariaga, kahit less action more on comedy.”

May punto ang netizen na si @jeppfalcon more on comedy dahil in real life ay mga komedyante ang mga nabanggit na inakala lang ng lahat ay mga seryoso sila, kami rin sana nga mabigyan sila ng project na magkakasama, paging ABS-CBN at Star Cinema.

Anyway, isa rin kami sa mag-aabang kung ano ang pagsasamahan nina Piolo at Coco.

Read more...