Dennis Trillo nagsalita ukol sa viral comment na ‘May ABS pa ba?’

Dennis Trillo nagsalita ukol sa viral comment na 'May ABS pa ba?'

NAGLABAS ng pahayag ang Kapuso actir na si Dennis Trillo matapos ang pagkaka-hack ng kanyang TikTok account.

Sa naging report ni Nelson Canlas sa “24 Oras” nitong Biyernes, July 12, ibinahagi ng aktor na ayaw niyang magpaapekto sa nangyaring hacking incident.

Saad ni Dennis, “Ayokong magpaapekto dahil hindi naman totoo ‘yung mga naririnig ko, mga nabasa kong mga comments dahil siyempre na-hack nga ‘yung account ko.

“At ako ay sa 20 years, tayo, sabay tayo dito sa industriya na ‘to, wala po akong naging kaaway. Wala akong pinagsalitaan nang masama.”

Baka Bet Mo: Dennis hinding-hindi magsasalita ng masama laban sa ABS-CBN

Nilinaw rin niya na wala siyang masamang intensyon laban sa Kapamilya network.

“Wala po akong anything against ABS-CBN. Mataas po ang respeto ko sa kanila. Dun po ako nanggaling,” sey ni Dennis.

Dagdag pa niya, “Siyempre ‘yung respeto importante sa ‘kin ‘yan kaya pinahahalagahan ko yan.”

Chika pa ni Dennis, hindi siya sasagot ng ganoong paraan.

“Ako po ay hindi sasagot ng mga ganoong klaseng comments sa isang simpleng tanong kaya kong sagutin ‘yan nang with full respect, pero hindi sa ganoong manner.”

Matatandaang nauna nang maglabas ng statement ang talent agency ni Dennis na Aguila Entertainment at sinabing na-hack ang account ng aktor.

Read more...