REVIEW: Sue Ramirez pasabog, ibang level sa ‘Little Shop of Horrors’

REVIEW: Sue Ramirez pasabog, ibang level sa ‘Little Shop of Horrors’

PHOTOS: Screengrab from Instagram/@theaterfansmnl

IBANG level ang ibinandera ng actress na si Sue Ramirez sa kanyang theatrical debut kamakailan lang.

Noong July 6, naimbitahan ang BANDERA sa VIP preview show ng “Little Shop of Horrors” na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC.

Ang araw na ‘yan ang second preview ng musical play, pero first-ever actual show ni Sue.

Ang nauna kasi sa VIP preview ay ang kapalitan niya na si Karylle na ginanap noong July 5.

Pero heto nga, nakakabilib si Sue dahil kakaibang galing ang ipinamalas niya sa entablado na malayong-malayo sa mga napapanood natin sa telebisyon o sa mga sinehan.

Hindi lang kami ang napa-wow sa kanya, kundi pati na rin ang mga kasama naming nanonood sa araw na ‘yan, kabilang na ang ilang celebrities kagaya nina Jake Cuenca, Kristel Fulgar, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Wish ni Nyoy Volante, mas marami pang TV star na sasabak sa teatro

Para bang hindi baguhan sa mundo ng teatro si Sue na talaga namang nakikipagsabayan sa pag-arte at kantahan kasama ang mga sikat at batikang theater stars.

Sa katunayan nga ay talaga namang nagningning siya sa entablado at bagay na bagay sa kanya ang ginampanang karakter bilang si Audrey.

Nakakatuwa ring panoorin si Dave Ezra na nagpakitang-gilas sa kanyang acting skills!

Bukod kasi sa role bilang dentista na si “Orin,” may ilang characters pa siya sa play.

Mahusay at very entertaining si Dave na lalong nagbigay-sigla at nagpatawa sa buong show.

And as usual, wala pa ring makakapantay sa mahuhusay na theater stars na sina Reb Atadero, Julia Serad at Audie Gemora.

Natural na natural ang kanilang pag-arte, pagkanta, pati na rin ‘yung kakaibang accent nila na kinailangan sa play.

Siyempre, hindi rin mawawala ang mala-Pinoy pop group o P-Pop na sina Mikee Baskiñas, Abi Sulit, at Paula Paguio bilang “Street Urchins.”

Bukod sa nakakaaliw silang panoorin, nako, pak na pak ang kanilang vocals at blending pagdating sa kantahan na ang sarap pakinggan.

Kaya kung naghahanap kayo ng pwedeng gawin ngayong weekend, ilagay niyo na sa listahan ang “Little Shop of Horrors” dahil siguradong sulit at uuwi kayong masaya.

Ang kwento ng musical ay base sa 1960 film ni Roger Corman na may parehong titulo.

“[It] tells the tale of Seymour Krelborn, a down-on-his-luck floral assistant, who discovers a mysterious plant with an insatiable appetite for human blood. As the plant, named Audrey II, grows and gains fame, Seymour finds himself tangled in a web of fame, love, and moral dilemmas,” saad sa inilabas na press release.

Ayaw naming i-spoil ang mga napanood namin, basta made-describe namin siya na very entertaining, fun, kakaiba at relatable na show!

Hanggang July 28 pa ang musical play at pwede niyo itong mapanood tuwing 3:00 p.m. at 7:30 p.m. tuwing Sabado at Linggo. May Biyernes din tuwing 8:00 p.m.

Maliban sa mga nabanggit na actors, tampok din diyan sina Karylle, Nyoy Volante, Markki Stroem, OJ Mariano, at marami pa.

Ang show ay bilang parte ng selebrasyon para sa ika-10th anniversary ng The Sandbox Collective.

Pwede niyong bisitahin ang official social media pages nila para sa iba pang detalye ng “Little Shop of Horrors.”

Read more...