Julia 'di mananalong best actress sa EDDYS kung wala si Alden

Julia hindi mananalong best actress sa The EDDYS kung wala si Alden

Ervin Santiago - July 11, 2024 - 12:05 AM

Julia hindi mananalong best actress sa The EDDYS kung wala si Alden

Julia Montes at Alden Richards

AMINADO si Julia Montes na  pinagdudahan niya ang sarili kung keribels na niya ang sumabak sa mga mature and extra challenging roles.

Pinag-isipan munang mabuti ng Kapamilya actress bago tanggapin ang pelikula nila ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, ang “Five Break-Ups and a Romance.”

At hindi naman nagkamali ng desisyon si Julia dahil sa katatapos lamang na 7th The EDDYS awards night, siya ang itinanghal na Best Actress para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance.”

Baka Bet Mo: Maris Racal handa nang sumabak sa mature roles; wish maka-collab sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo

Naging emosyonal pa si Julia nang tawagin ang kanyang pangalan bilang pinakamagaling na aktres nitong nagdaang taon.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang partner ni Coco Martin ng kanyang saloobin matapos tanggapin ang parangal mula sa 7th EDDYS o Entertainment Editors Choice.

“Before doing #FiveBreakupsAndARomance ang dami kong tanong sa sarili ko ‘kaya ko ba?’ ‘Bakit ako?’ Dahil maraming pagkakataon na ako mismo nagtatanong sa kakayanan ko,” simulang pahayag ni Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero nakilala ko ang aming director na si Direk @ayrin [Irene Villamor], tinuruan nya akong pahalagahan ang sarili at paniwalaang kaya ko ang mga bagay bagay,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia handang-handa na sa ‘mature roles’, pero…

Feeling din ng Kapamilya star, hindi siya magkakaroon ng best actress trophy kung hindi dahil sa mga taong patuloy na naniniwala at nagpu-push sa kanya na subukan ang kanyang mga kinatatakutan.

“I will never have the chance na makatanggap ng Best Actress if not with my Best Actor kong si Lance. PAR, salamat sa suporta at pagpapalakas ng loob ko sa pelikula natin,” pahayag ng premyadong aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Alden at Direk Irene, nagpasalamat din si Julia sa lahat ng nakatrabaho niya sa showbiz at sa mga manonood. Hinikayat din niya ang lahat na patuloy na suportahan ang pelikulang Filipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending