'Gloria Diaz curse' trending matapos ang Binibining Pilipinas 2024

‘Gloria Diaz curse’ trending matapos ang Binibining Pilipinas 2024

Therese Arceo - July 10, 2024 - 04:56 PM

'Gloria Diaz curse' trending matapos ang Binibining Pilipinas 2024

USAP-USAPAN ngayon ang viral video ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz mula sa nagdaang 2024 Binibining Pilipinas pageant.

Ang naturang video ay tungkol sa kanyang pagtatanong sa isa sa mga kandidata na si Roella Frias Solis na mula sa Bulacan.

Isa kasi si Gloria sa mga naging judge sa nagdaang beauty pageant.

Tanong ng dating beauty queen-actress kay Roella, “What physical asset do you have that should make you win?”

Baka Bet Mo: Gloria Diaz nagluluksa kaya hindi nakadalo sa FAMAS Awards

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinagot naman ni Roella si Gloria na ang confidence niya sa pagpresenta ng kanyang sarili sa kabila ng mga nawala sa kanya ang kanyang best asset.

“As a beauty queen and as a woman of vision, I am here to present you the best version of myself despite having a pivotal loss,” sey ni Roella.

Pagkatapos nito ay idinetalye niya ang pagkamatay ng kanyang lola at sinabing kahit na wala na ito ay patuloy pa rin siya nitong ginagabayan at paniguradong pinapanood siya nito mula sa langit.

Ngunit tila hindi satisfied si Gloria sa naging sagot nito dahil hindi nito natumbok ang ninanais niyang sagot.

“But what physical asset do you have,” muling tanong nito.

Muli namang sumagot ang kandidata at sinabing ang pagiging maganda niya ang kanyang physical asset.

“One physical asset I have is I am beautiful. Aside from that, I have a mission and vision in life that makes me apart from the other candidates. Thank you,” tugon nito kay Gloria.

Pagkatapos nito ay agad ngang nag-trending ang video ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasabay nito ay ang pag-trending “Gloria Diaz curse” sa X (dating Twitter).

Na-interview rin siya sa “TV Patrol” ang beauty queen-actress at sinabing hindi naman totoo na mahihirap na tanong ang kanyang ibinabato sa mga kandidata.

“Mahirap ba ‘ yon? Ang dali dali lang ng tanong,” sey pa ni Gloria.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending