Pia Moran biglang nawala sa showbiz dahil sa aksidente, scandal

Pia Moran biglang nawala sa showbiz dahil sa aksidente, scandal

Ervin Santiago - August 12, 2024 - 12:40 AM

Pia Moran biglang nawala sa showbiz dahil sa aksidente, scandal

Pia Moran

NANG dahil sa kinasangkutang aksidente at scandal, biglang nawala sa mundo ng showbiz ang dating sexy actress na si Pia Moran.

Nasa tuktok ng tagumpay noon si Pia na binansagang “Miss Body Language” nang magdesisyon siyang iwan ang kanyang showbiz career at magtago sa publiko.

Matindi ang mga pinagdaanang pagsubok ni Pia sa buhay kabilang na nga riyan ang aksidenteng kinasangkutan at pagkakaroon ng scandal ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Baka Bet Mo: Maris, Anthony hindi aksidente ang loveteam sa ‘Can’t Buy Me Love’

Sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast kay Pia ay binalikan niya ang naging buhay niya noon bilang artista at dancer at kung bakit siya tinawag na Miss Body Language.

“Nakikinig ako ng mga disco music, tapos narinig ko ‘yung ‘Body Language.’ ‘Yun, du’n ako nag-start, sinayaw ko ‘yung ‘Body Language’ on my own.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Moran (@therealpiamoran)


“Then sa Channel 7 yata talaga ako nag-start mag-guest nu’n, mga Joe Quirino, du’n ako tinawag na Miss Body Language. Kaya ako nagkaroon ng tatak na Body Language,” simulang pahayag ng aktres.

Ngunit sa gitna nga ng kanyang kasikatan, bigla siyang naglaho si limelight matapos maaksidente kung saan naapektuhan daw ang mukha niya.

“Lesson sa akin ‘yung ganu’n. Hindi ko gustong mangyari ‘yun. It’s a lesson. Ayaw ko man mangyari pero nangyari. Pero hindi ko na ginawa.

Baka Bet Mo: K Brosas, Pokwang naaksidente, nagtamo ng mga sugat at pasa

“Natuto ko sa ginawa kong pagkakamali sa sarili ko,” pahayag pa ni Pia.

Matapos ang aksidente, nagtago ang aktres sa publiko kasabay ng pag-atake ng matinding depresyon.

“Kaya lang nawala ‘yung pagkasikat na sikat ko, kasi noong naaksidente ako, nagtago na ako, na-depress talaga ako rito. Sabi ko sa isip ko, sa tagal kong nagtago, hinanap talaga ako… depressed na depressed ako.

“Nagkaroon din ako ng scandal noong araw. Nag-vice rin ako dati, na-experience ko lahat ‘yan,” rebelasyon pa ni Pia.

“Noong naaksidente ako, siguro kasalanan ko, Lord. Patawarin mo na lang ako. Accept it. ‘Yung scandal, pagkakamali mo sa sarili ‘yun.

“Ginawa mo ‘yun. Hindi mo naman gusto ilabas ‘yun, pero nangyari. Kapabayaan ko rin ‘yun. ‘Yung mga mali kong ginawa sa buhay, tinanggal ko na. At hindi ko na uulitin pa,” dagdag pa ni Pia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Moran (@therealpiamoran)


Natutunan din ng aktres na tanggapin ang lahat ng kanyang pagkakamali sa buhay, “Kasi, siyempre, kapag bata ka pa, may mga makakasama kang iba’t ibang tao.

“Hindi ko sinisi sa ibang tao ‘yung pagkakamali ko o nagalit ako. Kaya wala sa puso ko ‘yung ganu’n eh,” pagbabahagi ni Pia.

Sa edad daw niyang 61 ay nagpapasalamat siya sa Diyos na malusog pa rin ang kanyang pangangatawan at puro positibo lang daw ang iniisip niya ngayon.

“So lahat tinanggap ko, lahat ng pagkakamali ko, hindi ko itinago. Kasi kung minahal ko ‘yan at kinimkim ko, siguro hindi ganito hitsura ko.

“Kaya siguro kahit na edad ko ganito, be yourself, maging totoo ka, tanggalin mo lang ‘yung mga vice na attitude mong hindi magaganda.

“Tanggalin mo na sa life mo. Kasi I’m senior na. At least, you know, wala akong maintenance at may age,” sey niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Very soon ay mapapanood uli si Pia sa pelikulang “Lola Magdalena” kasama sina Gloria Diaz, Liza Lorena, Perla Bautista at Sunshine Cruz, mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending