NAPAKARAMI na ring pinagdaanang pagsubok ng relasyon ng Kapuso celebrity couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto pero mas pinipili pa rin nila lagi ang isa’t isa.
Isa sa mga naging hamon sa kanilang pagsasama ay ang pagkakaroon ng “quality time” dahil nga pareho silang busy sa pagtatrabaho.
Agad nilinaw ni Barbie na walang isyu sa kanila ni Jak ang loveteam nila ni David Licauco na mas kilala sa tawag na “BarDa”. In fact, suportado ng Kapuso hunk ang mga projects ng BarDa.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Barbie, hindi niya itinanggi na sa seven years na relasyon nila ni Jak, oras at panahon ang naging struggle nila.
Baka Bet Mo: BarDA kilig overload sa That Kind Of Love; premiere night star-studded
Sabi ni Barbie, dumating daw yung panahon na kailangang isantabi muna ang oras para kay Jak nang biglang sumikat ang loveteam nila ni David. Aniya, na-guilty din siya dahil dito.
“Especially noong na-busy and siyempre, nakaramdam ako ng kaunting guilt towards him because, I have to admit, hindi naman ito bago, I have to set him aside kasi nag-pick up ang BarDa,” pahayag ni Barbie.
Ngunit inintindi ni Jak ang sitwasyon ng kanyang girlfriend, “He really took it lightly. He was very proud of me, very happy for me.
“Siya nga ‘yung laging nagyayaya na mag-celebrate, iti-treat niya ako kapag may bago akong endorsement with David, or kapag may bago akong show with David.
Baka Bet Mo: Barbie pinapili ni Boy Abunda kung abs ni Jak o ni David: ‘It’s not what I’m after’
“Talagang he sees to it na magsele-celebrate kami, iti-treat niya ako, ide-date niya ako,” kuwento pa ng Kapuso Primetime Drama Princess.
Dagdag ng dalaga, “Very secure siya sa sarili niya. He lets his woman shine, kahit not with him.”
Sa tanong ni Tito Boy kung friends ba sa tunay na buhay sina Jak at David, “Sabi nila. Ha-hahaha! Hindi naman sila nag-uusap. But I guess they’re good.”
Nagsimulang umingay ang BarDa loveteam sa GMA series na “Maria Clara at Ibarra”. Muli silang nagtambal sa seryeng “Maging Sino Ka Man.” Napapanood na rin ngayon sa mga sinehan ang launching movie nilang “That Kind of Love.”