‘Barbie’ star Margot Robbie soon-to-be ‘mommy’ na, buntis sa first baby

'Barbie' star Margot Robbie soon-to-be ‘mommy’ na, buntis sa first baby

Margot Robbie

MAGIGING mommy na ang sikat na Hollywood actress na si Margot Robbie!

Ipinagbubuntis na kasi ni Margot ang first baby nila ng mister na aktor at film producer na si Tom Ackerley.

Ang balita na ‘yan ay ibinandera ng US–based entertainment publication na People noong Linggo, July 7.

Kasunod niyan ay kumalat na rin ang ilang litrato ng “Barbie” lead star na kitang-kita ang baby bump habang nakasuot ng white cropped shirt sa isang public place.

Baka Bet Mo: Rufa Mae ka-join daw sa Hollywood movie na ‘Barbie’ nina Ryan Gosling at Margot Robbie: ‘Joke, joke, joke!’

Kung matatandaang, taong 2016 nang ikinasal ang couple sa isang intimate ceremony sa Australia.

Maaalala naman na unang nagkakilala sina Margot at Tom noong 2013 nang magsama sila sa pelikulang “Suite Française” at nag-umpisa silang mag-date makalipas ang isang taon.

Sa isang interview, inamin ni Margot na never niyang naisip na makakatuluyan niya ang kanyang kaibigan.

“We were friends for so long. I was always in love with him, but I thought, ‘Oh, he would never love me back. Don’t make it weird, Margot. Don’t be stupid and tell him that you like him.’ And then it happened, and I was like, ‘Of course, we’re together’,” sey niya.

Aniya pa, “This makes so much sense, the way nothing has ever made sense before.”

Si Margot ay lalong sumikat at nakilala sa ilang iconic roles kabilang na ang “Barbie” at “Harley Quinn” ng DC Comics.

Ilan lamang sa recent projects niya ay ang “Babylon,” “Amsterdam,” “The Suicide Squad,” “Birds of Prey,” at marami pang iba.

Read more...