Glaiza, Buboy na-starstruck sa OG star ng ‘Running Man Korea’ na si HaHa

Glaiza, Buboy na-starstruck sa OG star ng ‘Running Man Korea’ na si HaHa

Glaiza De Castro, Buboy Villar with HaHa

HINDI napigilang ibandera nina Glaiza De Castro at Buboy Villar ang kanilang paghanga nang makita nila ang OG star ng “Running Man Korea” na si Ha Dong-hoon o mas kilala bilang si HaHa.

Ito ay matapos nilang maging guest sa Philippine adaptation ng hit Korean TV series na “Running Man Philippines” season 2.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Buboy ang kanyang pagka-fanboy kung saan makikita ang ilang makulit at kwelang selfie nila ni HaHa.

Caption niya sa post, “Hindi ko pinalagpas ang araw na ‘to na makapag-selfie [sa] THE OG HA DONG-HOON AKA HAHA [smiling face with hearts emoji].”

Baka Bet Mo: Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…

Si Glaiza naman, naging emosyonal sa kanyang post at hindi makapaniwala na na-meet niya in-person si HaHa na dati lang niya napapanood sa telebisyon.

“Ang suryal paring balikan ng moment na ‘to! Yung pinapanood mo lang sila sa Running Man tapos napapasaya ka nila sa pagiging sila, nakakawala talaga ng lumbay,” wika niya sa IG, kalakip ang ilang picture nilang dalawa na tila kagagaling lang sa iyak ng aktres.

Dagdag pa niya, “Meeting one of their original members, @quanhaha79 na bukod sa wit at talent (fave ko talaga solo stage niya sa con) ay napaka down to earth rin, was one for the books.”

“Sorry naman sa mugto kong mata dito, di ko kasi talaga inexpect na makakasama namin siya in person,” paliwanag pa ni Glaiza.

Aminado rin siya na isa itong dream come true kaya lubos ang pasasalamat niya.

Ilan lamang sa fellow celebrities na tila napa-sana all ay sina Cassy Legaspi, Ruru Madrid, Jason Gainza, Megan Young, Mikael Daez, at marami pang iba.

“OMG,” reaksyon ni Cassy.

Sey naman ni Jayson, “Oh shit si Ha ha yan awwwws kainggit”

Komento ni Ruru, “Naiyakkkkk si Boss G!!!! [holding back tears, red heart emojis]” 

Read more...