Romnick never pinangarap sumikat nang sukdulan; professor na ngayon
KUNG may isang importanteng life lesson na natutunan ang premyadong aktor na si Romnick Sarmenta, yan ay ang pagtanggap sa mga “katotohanan” ng buhay.
Bilang isang artista na ilang dekada na sa entertainment industry, tanggap na ni Romnick na darating ang araw na lilipas din ang kanyang panahon tulad ng mga naunang henerasyon.
Ito’y kasabay din ng kanyang pag-amin na kahit kailan daw ay never niyang pinangarap na sumikat nang bonggang-bongga. At dito rin niya napagtanto na kapag umabot ka na sa “itaas,” dapat knows mo ring tanggapin kung kailangan mo nang “bumaba”.
Baka Bet Mo: Dasal ni Jolina dininig: may musikerong asawa at 2 mababait na anak
“I have always immensely enjoyed working. Parte kasi siya ng pagkatao ko. Since nagsimula akong mag-artista ng four years old, it has always been ‘normal’ to me,” ang pahayag ni Romnick sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.
Dagdag ng aktor, “Hindi ko pinangarap talaga (na sumikat) totoo. Hindi ko pinangarap kahit kailan. Gusto ko lang magtrabaho.
“It allows me to express myself. I enjoy it in that sense. And on the practical side, nakakatulong sa pamilya ko,” aniya pa.
Sabi pa ni Romnick, hindi siya nanggaling sa mayaman o marangyang pamilya, kaya happy na siya kapag nakakatulong siya at napapasaya ang mga mahal sa buhay.
“Kasi hindi naman kami mga anak mayaman. And sa family ko, ako lang naman talaga ang artista.
“When that was happening, I was like, kung nakakatulong sa pamilya ko at nag-enjoy ako, tapos na nagagamit ko kung anuman itong regalo na ito ng Diyos, eh ‘di okay. Okay na ‘yun. Sobrang blessing na ito,” chika ng aktor.
Patuloy pa niya, “So, when people started talking about being popular, or ‘yun nga, na mas sumisikat, I always thought na, ‘So hanggang kailan ‘to? Kasi alam ko, pinalaki ako sa idea na palaging may ‘mas’ kesa sa ‘yo.
“May mas guwapo, may mas magaling, may mas matalino, may mas matangkad, may mas maputi. Palaging may ‘mas.’ So hindi puwedeng ikaw ‘yung sukdulan,” paalala ni Romnick.
“So, kapag dumating ‘yung time na umabot ka sa taas, dapat alam mo din kung paano tanggapin ‘pag wala ka na sa taas.
“So hindi ko pinangarap yung ‘umabot sa pinakataas. Kasi parang sabi ko, paano ‘yung pakiramdam pagkatapos nu’n?” mariin pa niyang sabi.
Sa ngayon, aside from being an actor, nagtuturo na rin si Romnick sa Trinity University of Asia, kung saan naimbitahan siya noong maging lecturer sa Media and Communication Department ng College of Arts, Sciences and Education.
Nagtuturo siya ng kursong Writing Dramatic Materials for Broadcast Industry at Emerging Media and Behavioral and Social Change Communication.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.