Jessa hindi na keribels mabuntis, Dingdong humirit: Kaya pa yan!

Jessa hindi na keribels mabuntis, Dingdong humirit: Kaya pa yan!

Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado

KUNG si Jessa Zaragoza ang tatanungin, ayaw na niyang magbuntis uli dahil feeling niya, hindi na keribels ng kanyang katawan ang manganak.

Inamin ng tinaguriang Phenomenal Diva na nagka-trauma rin siya nang makunan sa second baby sana nila ni Dingdong Avanzado pitong taon na ngayon ang nakararaan.

Nakachikahan ng BANDERA si Jessa sa mediacon ng major concert ni Dingdong na “Original Prince of Pinoy Pop” kung saan isa siya sa magiging special guest along with their daughter Jayda.

Inamin ng singer-actress na mula noong makaranas siya ng miscarriage, parang nagdalawang-isip na siyang magdalang-tao uli dahil ayaw na niyang maulit ang pinagdaanan noon.

Baka Bet Mo: Dingdong Avanzado ibinuking kung ano ang pinagseselosan kay Jessa Zaragoza, nag-share ng tips para hindi mawala ang init ng pagsasama ng mag-asawa

Tinanong si Jessa sa presscon kung bakit hindi na nasundan si Jayda, “Unang-una, alam naming mahirap talaga ang maraming anak, lalo na nu’ng palipat-lipat kami (ng tirahan), sabi ko nga, ‘Saan ba talaga tayo nakatira?’ Ang hirap!


“So, kami ni Dingdong parang, ‘Next year na lang (mag-baby uli), next year na lang. Hanggang sa…45 na ang lola n’yo. So, parang hindi ko na rin kaya. Hindi na keribels,” pahayag ng OPM icon.

Sumingit naman si Dingdong, “Kaya pa yan. Ha-hahaha! Hindi, honestly kasi, a few years back, we suffered a miscarriage, so hindi natuloy.

“At that time, Jessa and I, we’re both…from psychological and emotional standpoint, yun nga, may time element. But you’ll never know, never say never,” sabi ng isa pang OPM icon sa kanyang wifey.

Hirit ni Jessa, “Naku, baka sarado na yun, baka sarado na ang tindahan! Ha-hahaha! Pero ano naman po, kahit nag-iisa lang yan (anak na si Jayda), itinodo na namin lahat diyan. Push, push, push na talaga kay Jayda!”

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong hindi nakikialam sa mga desisyon ni Jayda sa kanyang career: ‘Never po silang naging stage parents’

Kuwento pa ni Jayda sa BANDERA tungkol sa naranasang miscarriage, “It happened seven years ago and talagang nakaka-trauma rin siya.

“Alam mo yun, iniisip ko kapag nabuntis ka uli, baka hindi na naman maka-survive yung baby. Pero siyempre, yung mga ganu’ng sitwasyon hindi natin kontrolado. So, bahala na si Lord,” lahad ng singer.

Paano ka naka-cope sa nangyari? “Actually, nagkaroon din ako ng…parang na-depress din ako. Nandu’n yung fear pero na-overcome ko naman. Sinuportahan naman ako ni Dingdong, ni Jayda at yun ang isa sa pinanghawakan ko, yung love from my family.

“Tsaka yung nga ganu’n, hindi mo masasabi, kahit kanino pwedeng mangyari. Kapag hindi ia-allow ni Lord na mangyari, hindi talaga.

“After that, hindi na kami nagplano. Nu’ng pagkakataon na yun, parang hindi na namin naisip. Pero si Dingdong, gustung-gusto talaga niya. Minsan nga binibiro ko siya, ‘Gusto mo sa iba na lang?'” ang tumatawang chika ni Jessa.

Samantala, tuloy na tuloy na sa July 19 ang inaabangang major concert ng tinagurian Original Prince of Pinoy Pop na si Dingdong Avanzado.


Magaganap sa Theater at Solaire, ang “Original Prince of Pinoy Pop” concert ay bahagi ng selebrasyon ng 37th year ni Dingdong sa music industry.

Bukod sa mag-ina niyang sina Jessa at Jayda, makakasama rin sa bonggang anniversary celebration ni Dindong sina SB19 Pablo, Randy Santiago, JM Delacerna, Marielle Montillano, Khimo at LA Santos.

Bukod sa mga bagong kanta, siyempre mapapakinggan din ang mga classic hit songs ni Dingdong na palaging kinakanta sa mga videokehan, tulad ng “Tatlong Beinte Singko”, “Basta’t Kasama Kita”, “Maghihintay sa ‘Yo” at “Wish I Could”.

Ito’y bibigyan ng bagong areglo ng musical director ng show na si Elmer Blancaflor at mula naman sa direksyon ni Jay Klio Bermudez.

The show draws from Dingdong’s vast library of hits, showcasing his heartfelt vocal prowess and exceptional talent as a songwriter.

Tickets are available at the Ticketworld website and Solaire Box Office with prices ranging from P2,000 to P8,500.

Read more...