Divine Divas, iba pang drag queens pasabog kung pasabog sa RAMPA

Divine Divas, iba pang drag queen pasabog kung pasabog sa RAMPA

Divine Divas, RS Francisco at iba pang drag artists sa RAMPA

PASABOG kung pasabog ang inihandang sorpresa ng mga talentadong drag queen para sa isang espesyal na event na ginanap sa RAMPA Club sa Quezon City.

Isa kami sa masusuwerteng naimbitahan nitong nagdaang Huwebes, July 4, sa bonggang-bongga showdown at special performance ng mga pambatong drag queen ng RAMPA Club.

Salamat sa invitation ng mga may-ari nitong sina Tito Boy Abunda, RS Francisco, mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño at ng Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas Deluxe, through PR manager Chuck Gomez.

Baka Bet Mo: Hirit ni Vice Ganda matapos ‘maospital’: ‘Healthy si Meme…tuloy ang rampa!’

Matatagpuan ito sa Don Eugenio Lopez Drive corner Sgt. Esguerra, QC (malapit sa ABS-CBN), kung saan mapapanood ang Rampa Reynas at siyempre ang world-class Filipino drag artists na Divine Divas.

Halos lahat ng magagaling na drag queens sa bansa ay nagsama-sama sa naturang event para ibandera ang kanilang paandar na performances na talaga namang mapapanganga ka na lang sa sobra nilang galing.


Nandiyan sina Zymba Ding, Felicia Ding, Salmo Nella, Sexy Wanda Mina, Poca, Katana, Khiendra, Neenja, Budalyn, at Bomba Ding.

But of course, ang highlight ng event ay ang production number ng Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas DeLuxe kung saan muli silang nakatanggap ng masigabong palakpakan at hiyawan sa kanilang “Dreamgirls” performance at sa bago nilang kanta na “Oh, Divine Diva” under Star Music.

Pagkatapos ng kanilang production numbers ng RAMPA Club drag queens, nagkaroon ng maikling presscon at natanong ang Divine Divas tungkol sa nais nilang iwang legacy sa mundo ng drag.

Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez tinupad ang pangako sa mga drag queen: ‘Mahal ko ang LGBTQ, gusto ko silang ipagmalaki sa buong mundo!’

Sey ni Precious Paula Nicole, “Before, nabibili lang namin ang mga kailangan at gusto namin. Ngayon naman ay naibibigay namin ang opportunity sa queens na gustong pumasok sa industry ng drag na katulad namin.

“Na-inspire namin sila. We’re really grateful lang na may mga tao na nagtitiwala sa journey namin,” aniya pa.

Para kay Brigiding, “Very happy kami kasi bukod sa nabago ang life namin, ang pinakaimportante is we changed the lives of these young queens.

“Meron kaming almost 15 artists dito sa RAMPA na hino-hone at tine-train namin to be the best version of their artistry. Nagbago ang buhay namin pero ngayon ay mayroon din kaming iba pang binabago ang buhay,” dugtong niya.

Sey ni Viñas DeLuxe, “Super happy ako sa changes na nakikita ko sa new babies namin. Ngayon, ang gaganda na nila. Si Brigiding, nagpa-makeup tutorial siya.

“Kami po, kapag may rehearsals, tinuturo namin ang tamang pag-uugali backstage, sa stage, at sa customers. Pay it forward to the next generation of stars,” saad pa ni Viñas.


Kapag wala na sila sa stage at burado na ang make-up, kumusta ang Divine Divas?

“Brigiding pa rin ako pero mas tahimik, mas chill, mas relaxed. Kapag naka-drag, mas confident,” tugon ni Brigiding.

“Ako, kapag naka-drag, gusto ko maraming tao. Pero sa bahay, gusto ko mag-isa lang ako. Kapag naka-drag, mas fierce,” sey naman ni Viñas.

Read more...