Jean Garcia sa pigil na emosyon pag umaakting: Medyo nakakahimatay!

Jean Garcia sa pigil na emosyon pag umaakting: Medyo nakakahimatay!

Jean Garcia

KUNG ang premyadong aktres na si Jean Garcia ang tatanungin, mas okay kung magiging makatotohanan ang bawat eksenang ginagawa niya sa isang serye o pelikula.

May mga pagkakataon na pinipigil ni Jean ang nararamdamang emosyon sa mga matitindi at intense scenes dahil ayaw niyang masaktan nang bonggang-bongga ang kanyang mga co-stars.

Sey ng batikang aktres sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” inamin niya ang struggle kapag may nga eksenang kailangan ng matinding emosyon na may kasamang pisikalan.

Aniya, kailangan din kasi niyang kontrolin ang sarili para hindi masaktan ang mga kaeksena kapag may sampalan, sabunutan at iba pang klase ng pisikalan.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Janno binabantayan ang mental health, hindi pa pwedeng mapag-isa

“Sa totoong buhay inilalabas mo yung emotions mo, ito kasi inilalabas ko ang emotions ko pero dahil ayoko naman siyang totoong masaktan so kinokontrol ko. Pero kailangang lumabas, so pigil,” pahayag ni Jean.

“So medyo nakakahimatay, parang gusto kong atakihin sa puso,” aniya pa.

Tinatanong din daw niya ang kanyang co-actors sa mga eksenang may sampalan kung gusto nilang tamaan ng totoong sampal.


“Tatanungin ko, ‘Gusto mo bang totoo or hindi?’ Kapag sinabi niyang hindi, sabihin ko sa kaniya, kausapin mo yung direktor natin kung papayag siya.

“So, kailangan may pag-uusap. Sa akin, walang problema. Kung ayaw po niya magpasampal, okay lang din sa akin. Basta bahala na siya du’n sa reaction niya,” saad ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Tunay na mga doktor, content creators eeksena sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’; Jean walang kakupas-kupas

“Medyo mahirap yun, ire-react na hindi ka naman nasampal. Baka kasi, makatulong kung medyo masaktan ka naman kahit papaano. Pero kung ayaw naman irerespeto po natin ‘yun,” dugtong pahayag pa ni Jean.

Dagdag pa niyang chika, mula noon hanggang ngayon ay masunurin siya sa direktor bilang respeto na rin dito kaya palagi niyang sinasabi sa kaeksena na kapag may ayaw itong gawin, kausapin agad ang kanilang direktor.

Kapag siya naman ang may eksenang medyo nagdadalawang-isip siyang gawin at kinakausap din niya ang direktor para malinaw ang mga bagay-bagay.

Read more...