UMABOT sa mahigit 35,000 ang nag-audition para sa muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya ngayong taon para sa “Pinoy Big Brother Gen 11.”
Nito lang nagdaang Abril nang ibalita ng ABS-CBN ang pagbabalik ng “PBB” season 11 kasabay ng announcement ng audition dates para sa mga nangangarap maging housemates ni Kuya.
Mahigit 20,000 aspiring housemates ang nag-participate sa ground auditions ng “PBB Gen 11” habang almost 16,000 ang nag-submitted ng application online.
Baka Bet Mo: Janine Gutierrez nag-audition noon sa ‘Encantadia’ ng GMA; pumasa bilang Amihan, pero…
Sa kabuuang 35,906 auditionees, pumili ang management at ang production sa pangunguna ni Direk Lauren Dyogi ng 67 aspiring housemates n! naka-shortlist for final casting.
Sa naganap na presscon para sa muling pagbubukas ng “PBB” house, humarap sa ilang members ng media ang mga hosts ng programa – sina Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Enchong Dee at Alexa Ilacad.
Makakasa pa rin nila si Kim Chiu sa show pero wala siya sa naganap na mediacon dahil meron pa siyang “It’s Showtime.”
Pahayag ni Robi sa pagiging bahagi pa rin ng “PBB” na nagsimula 19 years ago, “I just want to say thank for the support. Imagine tumagal po ang ‘PBB’ for 19 years at lahat po kami ay naging bahagi nito.
“So sa lahat po ng patuloy na nag-a-audition, patuloy na naniniwala sa ‘Pinoy Big Brother,’ maraming salamat sa pagtitiwala. ‘PBB’ produced countless personalities and it reflects the lives of the Filipinos kaya siya tinatawag na ito ang teleserye ng totoong buhay,” sabi pa ng TV host.
Sey naman ni Enchong, “I think sinuyod ng ‘PBB’ ang buong Pilipinas pero ang Pilipinas ay lumalapit din sa amin. It’s a give and take relationship between our audience and ‘PBB’ team.”
Baka Bet Mo: Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam
Chika ng isa sa mga nagwaging PBB Big Winner na si Melai, “Ang ‘PBB’ kasi parang tradisyon na siya ng Pinoy at nag-iisa lang ang Bahay ni Kuya.
“So dahil nag-iisa lang siya, 12 lang pinapapasok sa isang year, kumbaga gusto makabisita, makita kung ano ba ang power o emotion na maramdaman mo kapag nasa loob ka ng Bahay ni Kuya,” dagdag niya.
Pagbabahagi pa ni Robi, “I have to say that we’re the last ones to know inside this house sa mga pangyayari. Kasi kami hindi rin namin alam unless ibigay ‘yung script.
“Minsan ‘yung final script na naibibigay sa amin so we can report it out on the spot, minsan napapalitan pa. Tulad nang nangyari sa previous editions.
“Minsan nga ‘yung scrupt na ibibigay sa iyo hindi pa ‘yon ang totoo, may nakatago So ang daming twist ng ‘PBB’ na talagang it’s challenging at the same time exciting.
“But for this particular season since Gen11 we are playing the idea of ‘gen.’ Parang ‘yon ang challenge sa akin personally kasi gusto ko malaman kung ano nga ba ang generation ngayon, kung paano gumalaw, paano magsalita, gusto ko silang intindihan. So that’s one big challenge and excitement on may part,” lahad pa ni Robi.
Samantala, ipinakilala nga sa presscon si Alexa bilang bagong host ng show, “Ako po ‘yung GenZ Bestie ni Kuya Online.”
“Ang ambag ko po talaga I believe this is set of fresh eyes at maipapalamaas ko rin sa mga tao online ang perspective ng Gen Z, ‘yung values, opinions.
“And pakiramdam ko dahil during my season mas nag-focus kami online, hopefully I could bring in online audience as well. This is a manifestation turned into reality,” chika ni Alexa na naging housemate sa celebrity edition ng “PBB.”
Simula sa July 15 hanggang July 19, isa-isang iri-reveal ang bagong batch ng housemates via “Star Hunt The Audition Show” hosted by Cantiveros. At sa July 20, magaganap na nga ang grand kickoff ng “PBB Gen11.”
Sa last season ng reality show, ang “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” na ipinalabas noong 2022, ang itinanghal na big winner ay si Anji Salvacion.