2 Vivamax star payag makipagrelasyon sa tomboy: Go! Basta mahal mo!

2 Vivamax star payag makipagrelasyon sa tomboy: Go! Basta mahal mo!

Ang mga bida ng pelikulang “Hiraya” at “Maliko”

OPEN na open sa same sex relationship ang dalawa sa mga palabang Vivamax stars na sina Sahara Bernales at Eunice Santos.

Diretsahang inamin nina Sahara at Eunice na hindi sila namimili ng gender pagdating sa pagmamahal at pakikipagrelasyon.

Baka Bet Mo: Joel Lamangan bumilib kay Kit Thompson: All out siya sa pagiging daring, walang tanong-tanong

Sa presscon ng latest Vivamax Original Movie na “Maliko”, natanong namin sila kung posible bang ma-involve sila sa isang lesbian relationship dahil marami na ring members ng LGBTQIA+ community ang lumalantad para ibandera ang kanilang same sex relationship.


“Kahit sinong dumating okay sa ‘kin basta mahal ko at nagkakaintindihan kami. May ex kasi akong transman, e. So, open ako sa lahat. Pansexual kasi ako, kahit sino pwede, girl, boy, bakla, tomboy, go ako. Pero huwag muna ngayon, work muna,” sabi ni Sahara.

“Ako po dati may naka-relationship akong lesbian. So, kung meron darating uli ngayon, okay lang. I mean, hindi naman talaga iyan sa gender, basta kung gusto ko siya,” aniya pa.

Pero hindi tulad ni Sahara na keribels makarelasyon ang lahat ng letter sa LGBTQIA+ community, ayaw ni Eunice magkadyowa ng gay.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo napa-surrender sa bonggang awra ng kanyang ‘mini me’ na si Eunice: I think she did it better

“Ayoko ng gay, kasi pareho na kaming girl. Okay lang din naman yung gay pero manly. Merong gay na guwapo, tsaka hunk, di ba? Gusto ko yung ganu’n na gay. Ang ayoko yung babaeng-babae tapos mas maganda pa sa ‘kin,” paliwanag ni Eunice.


Samantala, dalawang babae ang gigising sa makamundong damdamin at pag-iisip sa pelikulang handog ng Vivamax – ang “Maliko” na nagsimula na last July 5 at “Hiraya” na streaming na sa July 12.

Sa tahimik na bayan ng Maliko, isang dalaga ang pagnanasahan ng kapwa niya babae habang pinagdadaanan ang isang krisis. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni JR Frias.

Si Leng (Sahara Bernales), na kumikita lamang sa pagbebenta ng mais, ay nahaharap pa ngayon sa matinding pangangailangan dahil sa biglaang pagkakasakit ng kanyang ama.

Sakto naman at makikilala niya ang isang medical representative na makakapagbigay sa kanya ng mga kinakailangang gamot na akala niya’y libre pero may mabigat ring kabayaran.

Si Sweetie (Eunice Santos) ang medical representative mula sa Maynila at nadestino sa Maliko. Malakas ang personalidad nito at nakukuha niya ang lahat ng kanyang naisin kahit gamitin pa niya ang kanyang katawan.

Natipuhan niya agad si Leng ng makilala niya ito, at gagamitin ang kahinaan ng dalaga para makuha ang gusto niya dito.

Habang lumalala ang sakit ng tatay ni Leng, mas lalo siyang umaasa kay Sweetie. Mas lalo rin namang tumitindi ang hinihinging kapalit ni Sweetie. Ngayon, gusto niyang makasama sa orgy party si Leng at ang nobyo nitong si Nardo (Chad Solano).

Handang gawin ni Nardo ang lahat para kay Leng, pero papayagan ba ni Leng na mabaon silang dalawa sa kahalayan ni Sweetie?

* * *

Sa pelikulang “Hiraya” ni direk Sid Pascua, isang misteryosong babae ang pagiinteresan at pagiinitan ng mga taungbayan.

Matatagpuang walang malay sa may batis si Hiraya (Rica Gonzales), at nang magising ito, wala siyang maalala at tanging ang pangalan lang niya ang kaya niyang sabihin.

Kaya naman madali siyang pinagsamantalahan ng mga tao, tulad ni Rommel (Itan Rosales), ang panganay na anak ng kapitan ng barangay, at ng kabit nitong si  Andeng (Denise Esteban). Mukhang walang mapagkakatiwalaan si Hiraya, hanggang makilala niya si James (Nathan Rojas), ang bunsong anak ng kapitan.

Pinipilit si James ng kanyang ama na pumasok rin sa pulitika at wala siyang lakas ng loob na suwayin ito. Pero nang makilala niya si Hiraya, nakaramdam ng tapang si James na protektahan ang dalaga.


Samantala, habang binubugaw ni Andeng si Hiraya is being pimped by Andeng, sunud-sunod na kamalasan ang nararanasan ng mga taga-bayan. Ipinagkakalat naman ni Andeng na si Hiraya ang may dulot nito kaya’t ang lahat ay nais na siyang mawala.

Si James na lang ang tanging kakampi ni Hiraya, pero talaga bang biktima siya ng kalupitan o dapat rin siyang kamuhian?

‘Wag palampasin ang “Hiraya” at “Maliko” sa number one streaming app sa bansa, ang Vivamax.

Read more...